• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Xian Lim reveal their true feelings for each other

Kim Chiu and Xian Lim reveal their true feelings for each other

Xian Lim says that he hopes that he and Kim Chiu could still hang out with each other after My Binondo Girl.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/9/2012 3:00 PM
Kim Chiu and Xian Lim reveal their true feelings for each other


010912-kimxi-main.jpgNapuno ng kilig at hiyawan ang Skydome, SM North EDSA kahapon para sa fans day ng My Binondo Girl at live-feed naman sa The Buzz ang interview ni Toni Gonzaga sa hottest team-up ngayon nina Kim Chiu at Xian Lim.

Unang tinanong ni Toni si Xian sa sinabi nitong handa siyang maging pakpak ni Kim nang mag-guest siya sa Kris TV last week. Ipinaliwanag naman ni Xian ang kanyang sagot. “Sabi ni Miss Kris, para daw si Kim naputulan ng pakpak, ‘yun ang pagkakasabi (ni Kris). Sabi ko naman kay Miss Kris kung naputulan siya (Kim) ng pakpak, ibig sabihin hindi siya makalipad, nasasaktan siya, nandito lang ako para sa kanya, para ‘di
siya malungkot
.”

Sa paghingi naman ng reaksyon ni Toni kay Kim ay hindi makasagot ang dalaga at ngumingiti lamang ito at tumatawa. Makahulugan naman ang isinagot ni Xian nang itanong sa kanya ng The Buzz host kung may pagtingin ba siya kay Kim. “Sobrang laki, sobrang laki,” ani Xian. Nang direkta siyang tanungin ni Toni kung siya raw ba ay nanliligaw sa dalaga, ang pa-safe na tugon ni Xian, “Gusto ko lang sabihin na nandito lang ako sa tabi ni Kim.”

Tinanong din ni Toni si Xian kung nagpapakita ba ito ng intensyong ligawan si Kim at sinagot naman ito ng binata sa pamamagitan ng pagtatanong kay Kim kung tumatalab ba sa kanya ang pagtrato ng espesyal sa kanya ng binata. Ang nakakakilig  namang sagot ni Kim, “Siyempre ang lakas makababae, ‘di ba? And thank you sa efforts mo, sa  lahat-lahat.

Sa nalalapit na pagtatapos ng My Binondo Girl, ang tanong ay kung mawawala na rin ang komunikasyon nila. Ang pakiusap naman ni Xian kay Kim pagkatapos ng kanilang proyekto, “Gusto ko lang sabihin na since matatapos na ang My Binondo Girl hindi ko na siya makikita everyday. Sana pagkatapos ng My Binondo Girl, magkita pa rin kami, sana makita ko pa rin siya.” Sa tanong kung maaari bang dumalaw si Xian sa bahay ni Kim, ang sagot ng aktres, “Pwede naman.”