Kris Aquino: 'Now I'm credible as an actress'

The Queen of All Media says that in her 21 years in the business, she believes that she has finally proven herself as an actress.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/8/2012 9:13 PM
Kris Aquino: 'Now I'm credible as an actress'


010912-kris-main.jpgLubos-lubos ang pasasalamat ni Kris Aquino sa lahat ng mga nanood ng pinakahuli niyang pelikula na Metro Manila Film Fest entry, ang Segunda Mano with Dingdong Dantes at Angelica Panganiban. Naging block-buster hit din ang nasabing film dahil pumangalawa ito sa mga entries na pinangunahan naman ng Enteng Ng Ina Mo. Thankful din si Kris sa mga nag-repeat viewing umano ng kanyang pelikula.

Pero may aabangang bago ang mga tagahanga ng Queen of All Media dahil sa ibang tatahaking landas ng actress-host, gayunpaman hindi naman niya ito idinetalye. Makakaasa naman ang kanyang mga tagasuporta na may mga proyektong gagawin si Kris this year including another hosting show and a teleserye with Anne Curtis.

“If you trace my career, 21 years ago nung ni-launch ang career ko at ang ibinigay sa aking material was comedy, ‘di ba si Pido Dida at that precise moment it broke all box-office records,” kuwento ni Kris sa The Buzz on Sunday. “Nung nagbalik ako sa movie-making bilang bida 2004, ang genre binigay naman sa akin ay horror (sa pelikulang Feng Shui) at thank you, God, nagsunod-sunod ang success do’n pero siguro na-acknowledge ng Star Cinema na I’ve grown up and that I’ve also experienced so much in life that now I’m credible as an actress.”

On a personal level naman, ipinaliwanag ni Kris na kahit na single siya ngayon ay hindi nangangahulugan na love is missing in her life. “Love comes in many forms and finding true love does not have to be embodied by one man kasi ‘di ba pwede talaga na ang love o ang role mo sa buhay ay magmahal ng anak, magmahal ng kaibigan,” paliwanag niya.

At finally, na-realize daw ni Kris na hindi na pala niya kailangang maghanap ngn pag-ibig. “Ang tanong ko talaga how long does it take to find true love. I used to think I’ll never find it but I realized that I am surrounded by love.”