• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion admits that she thought that her career was over

KC Concepcion admits that she thought that her career was over

Despite the most recent challenge that KC Concepcion had gone through, she witnessed the unwavering support of her fans.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/8/2012 9:14 PM
KC Concepcion admits that she thought that her career was over


010912-kc-main.jpgMuling napanood si KC Concepcion sa The Buzz kahapon subalit hindi bilang co-host kundi bilang guest. Pormal nang nagpaalam si KC sa The Buzz na dalawang taon din siyang naging co-host ng show. Ang pagkakaabalahan ngayon ng aktres ay ang The X Factor Philippines na bagong reality-based talent search show from the famous international franchise.

Ani KC, sa The Buzz niya natutunan ang mas maging mahusay pagdating sa hosting. Aniya, babaunin niya ang mga naging karanasan niya with Boy Abunda, Kris Aquino, Toni Gonzaga and Charlene Gonzalez.

Aniya, isa sa mga nakakatawa niyang karanasan sa show ay nung naging apat na sila; siya at sina Boy, Toni at Charlene. “Ang gulo-gulo talaga natin. May mga nagtu-Tweet na mga fans at artista because maraming pwedeng sabihin sa isang topic, may times na tuloy-tuloy, normal conversation ‘pag magkasama kayo ng kaibigan n’yo, ‘yun ‘yung mami-miss ko.

Kinumusta rin ni Boy ang bagong gupit ni KC na ginawa niya matapos ang break-up nila ni Piolo Pascual. Hindi naman daw naging mahirap para sa kanya nang magdesisyon siyang ipaputol ang buhok. “Sabi nila ‘pag nagpagupit kayo ng ganyan kahaba o ganyan ka-drastic, kailangan talagang ready kayong gawin ‘yon at hindi talaga pinag-isipan kasi ‘pag pinag-isipan n’yo ang ginawa n’yo, you can regret it. Mami-miss (n’yo),” paliwanag ng actress-host. “Ang tawag ko nga d’yan (buhok) feelings. Ang tawag sa pagpapagupit ng buhok ko, emotions. Sabi daw nila ang babae ‘pag may pinagdaanan, ke maganda o hindi, basta life-changing, unang-unang pinapalitan buhok.”  

Nagbalik-tanaw din si KC sa kanyang career since she came to the Philippines two years ago. “My album came out last year or two years ago. Andami nang nangyari since my album. Andami ring sumuporta since dumating ako dito. May mga times talaga na mahal pa ba talaga ako ng tao since umuwi ako from Paris (France) na nawala na ‘yung Parisianang Kristina na kilala nila pero hindi ‘yun mawawala.” Kahit kasi nag-aaral noon si KC sa Paris at tanging sa mga TV commercials  lang siya napapanood ay minahal na siya ng mga tao.

Very excited naman ni KC ngayong 2012 dahil maraming bago sa kanyang buhay. “For 2012 I’m very excited for the new me, sa lahat ng napagdaanan natin talagang may bagong chapter, bagong leaf na tinu-turn over at lahat (ng nangyayari) naniniwala ako may dahilan.”

Napakamahulugan naman ang sinabi ni KC nang tanungin siya ni Boy kung ano ang gustong sabihin ni KC sa kanyang sarili matapos ang lahat ng nangyari. “That you should never allow anyone to step on you. You should not let anyone think less of you and that bilang babae, meron kang strength na hindi mo alam o hindi mo malalaman agad-agad na meron ka at huwag mong bibitawan ‘yon.

Sa puntong iyon ay naiyak si KC pero sinabi niyang tears of joy iyon. Makahulugan din ang tinuran ni KC nang sinabi niyang, “May time na inisip ko na talaga na wala na talaga, na hindi na nila (supporters) ako mahal.”

Sinabi naman niya na dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay ay nakita niya ang suporta sa kanya ng kanyang mga fans. “Meron akong panibagong nakita sa mga supporters at sa mga viewers. Ngayon ko lang nararamdaman na mahal n’yo ako, na andyan pa rin kayo. Kahit ano’ng project na i-try ko dito and ’yan kayo, willing kayong panoorin, willing kayong i-accept.” 

Panoorin ang full interview sa The Buzz (click here)