• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya stars like KC Concepcion and Piolo Pascual get their predictions for 2012

Kapamilya stars like KC Concepcion and Piolo Pascual get their predictions for 2012

Stargazer gives her predictions for our top stars this year of the Dragon.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/8/2012 8:53 PM
Kapamilya stars like KC Concepcion and Piolo Pascual get their predictions for 2012


010912-kc-piolo-main.jpgMarami nga sa ating mga iniidolong mga kapamilya stars ang namayagpag ang career at personal life this 2011, marami din naman ang hindi masyadong maganda ang naging karanasan nung nagdaang taon kaya naman maraming nag-aabang kung ano ang mga hula, mga posibleng mangyari sa kanilang personal na buhay at trabaho para sa taong ito.
 
Nakapanayam ng Push.com.ph si Stargazer, isa sa mga pinagkakatiwalaan at sikat na psychic readers ng bansa. Ginagamit niya ang aura, energies at vibrations sa pagbibigay ng mga prediksiyon sa mga sikat nating mga artista, gumamit din siya ng numerology sa pamamagitan ng pag-alam ng birthday ng ating mga kapamilya stars at base nga dito ay ang ilan sa kanyang mga prediksyon sa kanila para sa taong 2012.
 
Isa nga sa mga naging pinakamaingay nang nagdaang taon ang relasyong Piolo Pascual at KC Concepcion. Sa karera man lalo na sa kanilang personal na buhay naging laman sila ng lahat ng pwedeng makuhanan ng balita: sa telebisyon, sa internet, sa dyaryo, kahit sa mga opisina, eskwelahan, palengke at kahit sa mga bahay-bahay naging usapan ang pinagdaanan ng kanilang relasyon na nauwi din sa hiwalayan. At sa taon ngang ito ayon kay Stargazer, para kay Piolo Pascual (January 12, 1977), “He must face his problems and must resolve them. ‘Di yan madadaan sa limot . He must end some situations to be able to start anew”, ang naging makahulugang prediksyon sa kanya. At para naman sa dating kasintahang si KC Concepcion (April 7, 1985), “It is the year to think about things and renew herself. Although romance is around, it is best that she moves on and not be involved yet as of this year.”
 
Nagkaroon man ng malaking hiwalayan ang taong ito, nagkaroon naman ng matinding pag-iibigan sa pagitan nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Matagal man bago napaamin ang dalawa, ngayon nga ay pinagsisigawan ng magkasintahan ang tunay na sayang nararamdaman nila sa isa’t-isa. Kamakailan pa nga ay nagbakasyon pa ang dalawa sa New York para i-celebrate ang Pasko at Bagong Taon, isang senyales na talagang going strong ang relasyon nila. At sa prediksyon nga para sa taong ito ayon kay Stargazer para kay Bea Alonzo (October 17, 1987), “She must expect the unexpected. Be careful with moving around.” At para naman kay Zanjoe (July 23, 1982), “He will have more opportunities and projects in store for 2012.”
 
Naging makulay din ang takbo ng personal na buhay at karera ni Sam Milby (May 23, 1984). At ngayon ngang haharap siya sa isa sa mga biggest break ng buhay niya, ang pagpunta niya sa Hollywood para makipagsapalaran sa buhay-showbiz doon, ito ang prediksyon ni Stargazer sa kanya, “There is so much coming for him this 2012, more financial gains and an upswing in his career. But he has to review his choices as what offer to accept because one may put him in a not so good situation.”
 
Marami ring ikinaharap na issues si Diether Ocampo (July 19, 1974), isa na nga dito ay ang pagkakalink niya sa Queen of all Media na si Kris Aquino at sa pagpasok ng 2012, ito ang nakikitang maaring pwedeng mangyari sa kanya, “This is a year of challenges for him. Endorsements are coming and although he has some projects, things may be a little bit slow.”
 
Ang prediksyon sa ating mga iniidolong mga artista ay gabay lamang para sa kanila at sa kanilang mga tagahanga. Wala namang kasiguruhan na magaganap ang lahat ng ito dahil lahat naman tayo ay may choices sa ating buhay, personal man o sa karera at nasa sa atin pa rin kung paano natin patatakbuhin ang ating buhay, artista man o hindi.