Dramatic Actress baboo na nga ba sa kanyang mother network?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

1/9/2012 12:00 AM
Dramatic Actress baboo na nga ba sa kanyang mother network?


010912-blinditem.jpg

Ay naku ano na naman ang chismis na narinig ko mga Kapamilya, may isa na naman daw sikat na dramatic actress ang mag aalsa-balutan sa kanyang mother network dahil hindi daw ito nasisiyahan sa mga projects na binibigay sa kanya. Yes, trulaloo, ayon sa aming source eh nakikipagusap na ang Dramatic Actress na ito sa bosses ng isang big network din para masimulan na ang paglalatag ng mga offer sa kanya. Bigatin si Dramatic Actress at impressive talaga ang kanyang talent, di lang sa pagarte pati na din sa dancing at iba pa, kaya nga naman sure eh swerte ang network na sasalo sa kanya. Mukhang di lang siya kasi aarte  sa new projects niya dahil maghohost na din daw ito ng programa. Kasado na ba o hinde? Dapat ba matuwa tayong mga Kapamilya o kabahan? Sino nga kaya?