• Home
  • Fresh Scoops
  • AiAi delas Alas and Cherry Pie Picache are very proud of 'Papa Chen'

AiAi delas Alas and Cherry Pie Picache are very proud of 'Papa Chen'

Though he is just a showbiz newbie, Richard Yap is now very famous because of his role in 'My Binondo Girl.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/8/2012 9:00 PM
AiAi delas Alas and Cherry Pie Picache are very proud of 'Papa Chen'


010912-papachen-main.jpg“Papa Trending” ang itinawag ni AiAi delas Alas kay Richard Yap a.k.a Chen Sy sa teleseryeng My Binondo Girl. Kahit na maikokonsiderang neophyte pa sa acting dahil ito ang first acting project ni Richard ay marami ang humanga sa Tsinoy na model-turned-actor. At dahil sa kanyang mahusay na pagganap ay nagiging trending topic ang nasabing actor sa Internet.

Si Richard ay ang leading man nina AiAi delas Alas at Cherry Pie Picache sa My Binondo Girl. Pangungumpisal nga ng Cebuano native na businessman, “I didn’t know kung ano ‘yung role. I just know magiging part ako ng My Binondo Girl at magiging asawa ko si Miss Cherry at Miss Ai but I never expected na magiging ganito ang role ko. Akala ko minor role,” pag-amin niya.

Puring-puri naman ng kanyang leading ladies ang malaking improvement ni Richard. “Grabe na ‘yung pinag-grow niya from that day he has started. Ang laki-laki na nung in-improve,” ani Cherry Pie.

Dugtong pa ni AiAi, “Kasi syempre ‘di mo naman maiaalis na hirap siya kasi hindi naman siya showbiz. Businessman siya, mayaman siya. Hindi niya alam ‘yung showbiz natin tapos ngayon heartthrob na siya, trending guy. Ngayon naa-absorb niya na, ‘Ah, showbiz na pala ako.’”

Pag-aalala pa nga ni Cherry Pie, “Pati sa craft I remember the first few three days of tapings that we had. Siyempre ‘pag dialogue lalo na ‘pag dramahan na lalo na pag-dialogue tapos sunud-sunod, madaming sequences, talagang naliligaw pero ngayon, take one at sumasabay, may kasamang luha.

Paniniyak naman ng tatlo, sa nalalabing dalawang linggo ng teleserye ay marami pa ang dapat abangan sa kanilang programa.