• Home
  • Fresh Scoops
  • Manny Pacquiao defends wife Jinkee: 'Maganda naman ang asawa ko'

Manny Pacquiao defends wife Jinkee: 'Maganda naman ang asawa ko'

Manny Pacquiao says wife Jinkee is getting even more beautigul because, 'wala siyang inaalala.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/7/2012 8:12 PM
Manny Pacquiao defends wife Jinkee: 'Maganda naman ang asawa ko'


010812-pacquiao_main.jpgPati si boxing champ at Saranggani congressman Manny Pacquiao ay napamangha sa “transformation” ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao na masisilayan sa pinakabago niyang pictorial for a magazine. Umani ng maraming puna ang nasabing photos dahil diumano’y edited ang nasabing larawan ni Jinkee.

Ipinagtanggol naman ni Pacquiao ang kanyang asawa at napa-wow pa nga siya rito. “Maganda naman ‘yung asawa ko, lalong gumaganda kasi wala siyang inaalala,” depensa ni Manny sa interview sa kanya ng ABS-CBN News.

Samantala, dinepensahan din ni Jinkee ang sarili mula sa kanyang mga kritiko. “Makikita naman nila siguro sa akin na pumayat talaga ako," aniya sa panayam ng ABS-CBN News.

Idinagdag pa niya na tingnan na lang siya ng kanyang mga kritiko nang personal para patunayan na malaki talaga ang improvement niya. “Basta hindi ko na kailangan mag-explain pa. Basta 'yun na 'yung resulta ng aming pictorial.”