• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli says he and Xian Lim are not competing with each other

Matteo Guidicelli says he and Xian Lim are not competing with each other

Matteo Guidicelli treats Xian Lim like a brother and is happy about the latter's success.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/6/2012 9:58 AM
Matteo Guidicelli says he and Xian Lim are not competing with each other


010612-matteo_main.jpgSa pagsikat ng tambalang JanDy, ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim sa hit teleseryeng My Binondo Girl, maraming nakakapansin na hindi na nga masyadong napapanood si Matteo sa serye. Kung matatandaan isa si Matteo (Trevor) sa mga love interest ni Kim Chiu (Jade) pero sa kalauna’y mas niyakap ng tao ang tambalan nina Kim at Xian. At nang kuhanan ng Push.com.ph ng reaksiyon ang binata kung apektado ba siya rito, “Hindi naman, sa umpisa pa lang ng Binondo Girl I told Xian na, ‘Bro, whoever Kim goes to, lets cherish it. It’s a blessing cause you know Kim Chiu is Kim Chiu ‘di ba, and we have to take care of it and congratulations bro the people like your team-up and I’m very, very proud of you and just keep it up all the time and it’s a blessing talaga.’ Kim’s a wonderful person, Xian’s a cool dude so you know it’s a blessing na marami talaga silang supporters.”

Inamin din ng binata na dahil sa My Binondo Girl, naging malapit na magkaibigan sila ni Xian. “We’re like brothers, literally brothers. Minsan hate niya ako kasi tinutukso ko siya lagi. It’s like a brother-to-brother thing. We tease each other, we make fun of each other. We have a good time and then kapag wala kami sa Binondo set we call each other na kamusta ka na. We’re brothers, we’re good friends.”

At ngayon may pelikula si Matteo, natanong din kung naisip niya bang hindi man siya ang bida na ngayon sa My Binondo Girl, bida naman na siya sa sarili niyang pelikula. “Hindi naman, hindi naman, wala namang kumpetisyon. He is in the movie also, this is his first movie also and wala naman. There is no competition and lagi ko naman sinasabi sa kanya na, ‘Bro let’s not compete with each other. This is work and let’s do our best all the time and let’s never compete.’”

Maganda ang pasok ng taon kay Matteo at sobrang grateful lang siya sa lahat ng natatamasa niyang blessings at isa na nga dito ang movie nila ni Maja Salvador under Star Cinema na My Cactus Heart. “This makes me smile just thinking about na may pelikula ako. It’s a dream come true and I can’t ask for more, it is a dream come true.”

Maliban sa pelikulang ito, marami ang nag-aabang kung ano ang mga projects in store kay Matteo ngayong 2012. “Sana tuloy-tuloy po yung blessings. Hopefully I can get a new soap, but if ever I will concentrate on my hosting sa HYY (Happy Yipee Yehey) kasi HYY is also a blessing because we go around and we help lots of people–yung mga kababayan natin—and everything. And I really want to concentrate on the noontime show. Ibibihasa ko pa yung hosting ko then to share joy with the other people.”