• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales speaks about his upcoming plans for 2012 and comparison with Piolo Pascual

Jericho Rosales speaks about his upcoming plans for 2012 and comparison with Piolo Pascual

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/5/2012 9:55 AM
Jericho Rosales speaks about his upcoming plans for 2012 and comparison with Piolo Pascual


010512-echo_main.jpgAng isa sa mga inaabangan ni Jericho Rosales na proyekto ay ang pagsasamahan nila ni Piolo Pascual na teleserye. “I’m very excited. I am just very excited. Matagal ko nang pangarap na makasama si Pareng Piolo so ngayon natupad. Hiniling ko nga pelikula e pero ngayon magkasama na kami tapos kasama pa namin si Sir Boyet de Leon so heto na, halika na, rock ‘n roll na!

Nagkwento din si Echo tungkol sa kanilang teleserye at siniguro niyang kakaiba talaga ito sa mga ibang karakter na kanyang ginampanan. “Well, dun sa soap namin kasi hindi lang siya basta na masabi mo na goody two shoes. Nag-mature na yung characacters na ipoportray ko katulad sa Green Rose. Iba na siya dun ‘di ba? Iba na yung ginagampanan ko, hindi na lang siya laging mabait. Mabait pa rin siya pero mas challenging yung mga eksena kasi ipapakita yung tunay na emosyon, yung talagang nangyayari sa isang tao, ipapakita mo yung kung ano yung nagpapabagsak sa isang tao, nagpapaangat sa kanya. Kung paano siya aangat pagatapos ng lagpak niya ‘di ba? Talagang excited ako dun kasi ‘di lang siya yung laging mabait ito ibang klase na hindi ko pa nagagawa.

Nagsalita na rin si Echo sa pagkukumpara sa kanila ni Piolo ngayon pa lang. “Alam mo mahirap na kalaban yan pag iniisip mo yang ganyang bagay e. Kakainin ka niya, ‘di ka patutulugin, dudurugin ka niyan pag nararamdaman mong lagi kang nakikipaglaban. Magkakaroon ka ng inggit, magkakaroon ka ng insecurity. Ayoko kasing mabulok ang puso ko dahil lang sa pag-focus ng competition ‘di ba? Mas gusto ko ‘di ba na mapansin ako na ginagawa ko yung trabaho ko tapos nakikisama ako na hindi ako nakikipag-angatan.

Kung mabigyan ako ng award bonus na lang yun ‘di ba pero matagal ko nang sinabi sa sarili ko na team player ako, parte ako ng isang team. Leader man ako sa bahay, leader man ako sa kumpanya ko, pero marunong pa rin akong maging team player so that is what I plan to do with Piolo. So yun talaga ang ugali ko pagdating sa set. Isipin mo pag yun na lang ang iniisip ko pagod na pagod ako palagi nun. Kung ano lang ang meron ako yun ang ibibigay ko,” dagdag pa ng aktor.

Ang hiling din ni Echo this year ay matuloy na ang pagpo-produce niya at pagiging involved niya sa pelikula pero sa likod ng camera. “Hopefully next year matuloy na yung pagpo-produce ko at pagiging involved ko sa paggawa ng pelikula. Yun lang for me. Yung puso ko kasi nandun talaga sa paggawa ng bagay, ‘di lang kanta kundi paggawa ng pelikula.

As a Producer ba o Director? “Yung Director kasi baka gitna pa ng taon ng 2012 pero to produce something na involved kami sa script, involved kami sa paggawa nito specially the project na nakatutok ako na malapit talaga sa trabaho ko gusto ko talaga siyang gawin, sana matuloy.