• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual talks about his team-up with Angelica Panganiban

Piolo Pascual talks about his team-up with Angelica Panganiban

Piolo Pascual lists the changes in Angelica Panganiban since their last project in 2004.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/4/2012 9:32 AM
Piolo Pascual talks about his team-up with Angelica Panganiban


010412-piolo_main.jpgSunud-sunod ang mga projects na nakahilera ngayon kay Piolo Pascual. Maliban sa kanyang higanteng teleserye kasama ang King of Drama na si Christopher de Leon at si Jericho Rosales, ang pelikula nila ni Angelica Panganiban ang isa sa mga kaabang-abang ngayong 2012. At nang tanungin sa development ng kanilang pelikula, nabanggit ni Piolo na kailangan nilang tumigil ng shooting dahil kailangang unahin ma-shoot ni Angelica ang Segunda Mano pero siniguro naman ng heartthrob na tuloy na tuloy ang proyektong ito.

Huling nagkasama sa isang proyekto sina Piolo at Angelica sa teleseryeng Mangarap Ka noong 2004. At nang matanong si Piolo sa pagkakaiba working with Angelica then and now, “Malaki siyempre. Kapag nakikita ko yung pictures niya when she was 17 bago siya nag-18 parang, ‘Wow ito na pala siya ngayon.’” Dagdag pa ng aktor, “I think she has [become] more professional because nakita mo na yung maturity niya [bilang] tao, sa pakikituring niya sa tao. Sobra yung passion niya sa ginagawa niya saka kasi ‘di siya yung tipo na she won’t compromise, she gives her all kaya nacha-challenge kami na to give more than you could give”.

Puro puri din ang aktor sa kanyang leading lady. “She is still very fun to work with. Never late on the set, very professional at napaka-funny at no dull moment with her, napakagaling na artista.”

Sa dinami-rami na rin ng mga nakatrabaho ni PJ na mga leading ladies, natanong ng Push.com.ph sa aktor kung ano pa ba ang kakaibang makikita sa tamabalan nilang ito. “Marami, marami. Ako nga natatawa ako sa ginagawa namin. Of course it’s a romantic comedy but more than that it’s the chemistry that were able to—not that I’m really a master—that were able to build. We were doing Mangarap Ka for almost a year and I guess kumportable kami sa isa’t isa at makikita mo yun sa screen and working with Direk Mae Cruz na nakasama ko for how many years sa TV it’s a fun team-up and of course it’s Star Cinema kaya rest assured na it’s going to be a film worth watching.”