Jericho Rosales is willing to do everything for love

Jericho Rosales says that even if one commits mistakes, there is always a second chance for the sake of love.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/31/2012 10:01 AM
Jericho Rosales is willing to do everything for love


013112-echo_main.jpgPagkatapos ng serye ni Jericho Rosales na Green Rose kung saan nakatambal niya si Anne Curtis, magbabalik siya sa primetime bilang isa sa mga bida ng teleseryeng Nang Dahil sa Pag-ibig kung saan makakasama niya sina Christopher de Leon, Cristine Reyes, Maricar Reyes at Piolo Pascual. Hindi na maitago ni Echo ang excitement sa kanyang latest project. “I’m very positive about the project. Actually excited lang, I’m really, really excited. We are going to start soon. It’s a good year e, January is a good month to start ‘di ba kaya parang eskwela lang, gusto ko na ulit.

Kinamusta din ang aktor tungkol sa mga co-stars lalo na ang mga first time niyang makakasama. “Medyo nagkakahiyaan pa kami ni Maricar pero I’m sure magiging kumportable din kami nahihiya lang siya. Kay Cristine naman wala akong problem katrabaho si Cristine. Cristine is the type of actor or actress na kapag binigyan mo ng task talaga pagdating niya dun game agad siya na sige gawin na natin ito, walang tanong-tanong. Meron siyang mga tanong pero I mean pagdating sa set she is ready, she knows what to do na and it’s nice that you just have to step into the square and sabihin mo na lang na okay, game simula na tayo. Hindi mo na kailangang magtanong na, ‘Ano ba ito o paano ba yung ganyan?’

Pagdating sa kanyang kaibigan at dating kasamahan sa The Hunks na si Piolo, aniya, “With him (Piolo) it’s been a while pero I know, ganun-ganun pa rin. Masarap sila katrabaho sa story pagdating sa pag-uusap namin sa characters namin on how to come up with a result ganyan.” Dagdag pa niya, “Everyone’s open to suggestions and Piolo and I always have talks after ASAP kung anong okay dun sa project namin kung anong okay dun sa character niya anong okay dun sa character ko he tells me all the time na ang ganda ng character mo… akin na lang yung character mo and then I tell him ang ganda ng character mo you should see this, you should see that ganyan-ganyan, may mga ganun kaming dalawa.”

Kilala si Echo sa mga ginagawa niyang mga mabibigat na eksena kaya naman dito ba ay mag-eexpect ang mga tao ng mas mabibigat niyang mga dramatic scenes? Kung matatandaan ay nagte-trending pa sa Twitter at pinag-uusapan sa iba pang mga social networking sites tulad ng Facebook ang kanyang mga eksena sa Green Rose kaya naman natanong ng Push.com.ph si Echo sa mga aabangan ng mga tao dito sa kanya. “Of course, siyempre. Alam mo naman ang ABS-CBN gusto nilang higitan yung mga ginagawa nilang mga projects. Actually ‘di ko namention kanina na I’m a little bit nervous sa role ko kasi medyo may mga bagong bagay na ‘di ko pa nasususbukang gawin o hindi ko pa napo-project yung ganung klaseng avenue pagdating sa character so it’s really exciting at the same time. It gives me a reason to be really focused and to really sit down and study and talagang try to be better pa than before.”

At sa kadahilanang Nang Dahil sa Pag-ibig ang title ng kanyang bagong serye natanong na din ng Push ang aktor kung ano ba ang kaya niyang gawin nang dahil sa pag-ibig? “Lahat! Of course lahat ng kaya mong gawin para sa pag-ibig as long as may positive na result ‘di ba? Minsan may mga pagkakamali tayo dahil sa pag-ibig pero there is always grace. For me, there is always grace, there is always an endless chance. Or second chances na pwede mong ayusin ang mga bagay but basically it’s the strongest force talaga e. One person would be able to do whatever it takes para maitawid yung pag-ibig niya.