• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina Villaroel reveals the Kapamilya stars she wants to work with

Carmina Villaroel reveals the Kapamilya stars she wants to work with

Apart from her upcoming entertainment talk-show, Carmina Villaroel is also excited about her future teleserye with ABS-CBN.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/31/2012 10:43 AM
Carmina Villaroel reveals the Kapamilya stars she wants to work with


013112-carmina_main.jpgHindi lang ang career ni Carmina Villaroel ang happy ngayong balik-Kapamilya na siya dahil aniya, going strong din ang pagmamahalan nila ng kanyang partner na si Zoren Legaspi. “Happy naman siya sa akin kung anuman ang nangyayari sa akin ngayon, actually siya pa ang mas excited,” magiliw na pagbabahagi ng actress-host.

Ang pagbabalik daw niya sa Dos ay sobrang ikinatutuwa ni Zoren. “We’re okay, we’re very very fine. Maganda ‘yung mga nangyari sa amin very supportive naman kami sa isat-isa. He’s very happy that I’m back here alam naman niya talaga na dito sa puso ko na dito talaga ako eh.”  

Isa sa mga proyektong gagawin ni Carmina sa ABS-CBN ay isang teleserye at tuwang-tuwa ang aktres sa pagkukuwento sa gagawin niyang proyektong ito. “Sobra akong na-excite, marami na akong nagawang soap in the past pero this one it’s really something different. Mabibigla kayo kung sino ang aking ka-loveteam.” Ayaw naman niyang ibulgar kung sino ang aktor na makakapareha niya. However, nang tanungin siya sa kanyang mga nais makatrabaho, kinilig si Carmina at isinagot si John Lloyd Cruz. Isa rin daw sa nais niyang makaeksena si Jericho Rosales.

Pagdating naman sa mga aktres, sinabi ni Carmina na marami siyang gustong makatrabaho pero dalawang aktres ang nangibabaw. “Sobra akong excited, lahat sila gusto ko makatrabaho agad-agad. Gusto kong makatrabaho si Kim Chiu kasi maraming nagsasabi na magkahawig daw kami. Hindi ko alam basta ever since nagsa-start pa lang siya marami ang nagsasabi na kamukha mo si Kim Chiu. Hanggang ngayon naku-curious ako. Gusto kong makita si Bea (Alonzo), lahat sila gusto kong makatrabaho.

Right now, ang focus ni Carmina ay ang Saturday entertainment show na The Showbiz Inside Report together with Janice de Belen, Joey Marquez at Ogie Diaz na magsisimula ngayong darating na Pebrero.