Vice Ganda says 'Gandang Gabi Vice' to end on Feb.19

The comedian says if the viewers demand it, GGV's run just might get extended.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/30/2012 1:31 PM
Vice Ganda says 'Gandang Gabi Vice' to end on Feb.19


013012-vice-main.jpgKahit sa pa sa gitna ng ingay at kasiyahang binibigay linggo-linggo, nakatakda na ding magwakas ang isa sa matuturing na pinakamasayang show ng ABS-CBN, ang "Gandang Gabi Vice (GGV)."

Pag-amin ng host nitong si Vice Ganda, ipapalabas na ang huling episode ng kanyang show sa darating na Pebrero.

Giit ni Vice, extended na ngayon ang GGV pero dahil sa consistent public demand ay nagpapatuloy pa ding itong namamayagpag sa ere.

"Sa lahat ng mga nanood ng 'Gandang Gabi Vice' extended po ako hanggang Pebrero kaya magkikita kita pa tayo. Sa February 19 ( na ang last episode) pero kapag nagwala kayo sa February 19 baka ma-extend ulit," ani Vice.

Biro pa ni Vice, kung sakaling pagbigyan na naman ang hiling mga manonood ay baka ma-extend pa ulit ang pagpapalabas ng GGV.

"Magwala lang kayo ng magwala tuwing mawawala ang 'Gandang Gabi Vice,'" biro ni Vice.

Matatandaang sa nakaraang panayam, inamin ni Vice na magiging seasonal ang GGV para hindi naman magsawa ang mga manonood.

Kung matutuloy man ang pagtatapos ng GGV, sinasabing papalitan ito ng bagong musical show ni Sarah Geronimo na "Sarah G Live!"