Bianca Gonzales joins Umagang Kay Ganda

Bianca returns to her roots as an early morning talk show host.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/30/2012 1:30 PM
Bianca Gonzales joins Umagang Kay Ganda


013012-bianca-main.jpgIsang magandang umaga ang bumati sa TV host na si Bianca Gonzales nitong Lunes (January 30) ng opisyal na siyang pangalanan bilang bagong miyembro ng morning show na "Umagang Kay Ganda (UKG)."

Sa bagong show, trabaho ni Bianca ang maghatid ng ulat sa mundo ng showbiz.

Gamit ang kanyang Twitter account, inihayag ni Bianca ang kasiyahan na makabalik sa pagho-host tuwing umaga.

"I was in the morning show six years ago, before I became a housemate. tomorrow, I will be back in the morning show. 4:45AM, live. join us. :)," ani Bianca.

Bago ang pagpasok niya sa UKG, nagpaalam muna ang show ni Bianca na   "E-Live" nito lamang Sabado kung saan nakasama niya sila Ogie Diaz, Nikki Gil at Luis Manzano.

Pag-amin ni Bianca, mami-miss niya ang mga kasama sa "E-Live."

'@ogiediaz @luckymanzano @nikkigil aaaaw. will miss our saturday habit too. :) good luck on showbiz inside report!! super nakakasindak. :)" ani Bianca.
 
Nakatakdang palitan ng "Showbiz Inside Report" ang "E-Live" na pangungunahan naman nila Ogie Diaz, Carmina Villaroel, Janice de Belen at Joey Marquez bilang mga host.

Samantala, tuloy pa din si Bianca bilang co-host ng Pinoy Big Brother kasama naman ang kaibigang si Toni Gonzaga.