• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby says he will do all he can for his fans not to forget him

Sam Milby says he will do all he can for his fans not to forget him

The actor-singer says life is about taking risks which is why he is willing to leave his local showbiz career to pursue his Hollywood dream.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/29/2012 11:38 PM
Sam Milby says he will do all he can for his fans not to forget him


013012-sam-main.jpgPaalis na si Sam Milby patungong US any moment now upang sundan ang kanyang ambisyon na magkaroon ng Hollywood career. Almost tatlong buwan ding iiwan muna ni Sam ang kanyang showbiz career sa bansa para sa kanyang pangarap. Sa The Buzz nitong Sunday, prangkang tinanong ni Boy Abunda kay Sam kung handa ba siyang makalimutan na siya ng mga tao. “Sana hindi naman po mangyari ‘yon. Gagawa po ako ng paraan (para hindi ako makalimutan),” paniniyak ni Sam. Unang una, mayroon naman daw social networking sites to stay connected at patuloy na makikipag-communicate sa kanyang mga fans.

At kung hindi man daw siya magtagumpay sa kanyang ambisyon sa Amerika, babalik naman daw siya sa bansa. “I will come back. There’s already plans for a teleserye or movie,” ani Sam. “But even if nothing happens itong year na ito (sa akin na US) ‘yung pilot season I’m not gonna give up, I’m gonna go back naman. I have an agency, one of the best agencies.”

Ipinaliwanag din ni Sam kung bakit handa niyang ipagsapalaran ang kanyang magandang career sa Pilipinas sa pagsubok na magkaroon ng Hollywood career. “There are things you just feel you are called for. It’s a gut feel and life is about taking risks. If you think about it I came to the Philippines na walang trabaho, I came on a risk.” Gayunpaman, naging artista siya at nagkaroon ng showbiz career. Mula nang sumali siya sa Pinoy Big Brother noong 2005, malayo na ang narating ni Sam.

Samantala, sinuportahan naman ni Sam ang kanyang ex-girlfriend na si Anne Curtis sa kanyang major concert sa Araneta Coliseum last Saturday, January 28 at naging guest pa sa nasabing event.  “It was nice. It’s been a while. People moved on and for me it was a great moment that I was actually there (because) alam kong dream talaga niya (Anne) to sing, to do a concert and she was there for my first major concert.”

Inamin din ng actor-singer na minsan ay nagkakaroon siya ng panghihinayang na nagkahiwalay sila ni Anne. “There are times na alam ko na happy na happy siya with Erwan (Heussaff), there are times na (naiisip ko), ‘ano’ng ginawa ko?’ You have to think about that, what did I do wrong, siyempre marami, hindi ako perpekto. I did a lot of mistakes but you take everything that you do as a learning and it’s all (what) life is. It’s all about learning process.”