• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on Shaina Magdayao: 'We're doing perfectly fine'

John Lloyd Cruz on Shaina Magdayao: 'We're doing perfectly fine'

The actor shares his thoughts on his new movie 'Unofficially Yours,' Sarah Geronimo and Shaina Magdayao.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/29/2012 11:42 PM
John Lloyd Cruz on Shaina Magdayao: 'We're doing perfectly fine'


013012-jlc-main.jpgMaganda raw ang pasok ng taon para sa actor na si John Lloyd Cruz at umaasa siya na mas magiging maganda pa at mas magiging challenging pa ito sa paglipas ng mga araw. Excited din siya sa kanilang movie ni Angel Locsin, ang Unofficially Yours na aniya ay matagal na pinag-isipan ng Star Cinema. Gayunpaman, hindi raw ito agad ginawa dahil sa pagiging sensitibo ng tema pero ngayon ay naniniwala na sila na handa na ang audience sa ganitong paksa. Tinatalakay ng pelikula ang topic na “friends with benefits.”  

Sa ilang daring scenes niya with Angel ay tinanong ni Boy Abunda si Lloydy kung gaano ba siya kasexy, na siya namang ikina-tawa nito. “Hindi ko alam. Hindi ako ang magsasabi. Pinaka-sexy ako I think ‘pag naka-cologne lang ako,” pagbibiro pa niya. “Parang experiment ang ginawa ko na rin sa sarili ko, because I wanted to portray a character na hindi naman kailangan porke’t kailangang maghubad sa isang eksena, kailangan ba lagi maganda ang makita, o perpekto (ang katawan) o parang hinulma (para maging sexy). Feeling ko nga ako ang representative ng karamihan sa mga lalaki (na hindi kailangan maganda ang katawan).” Effortless naman daw ang pagiging sexy ni Angel. Paglalarawan niya sa leading lady, “Napaka-sexy, ‘di na kailangan ng pelikulang ito, kahit wala ang pelikulang ito, si Angel andun na, number one sexiest sa Pilipinas.”

Tinanong rin ni Boy si John Lloyd kung kamusta na ba sila ng dating leading lady na si Sarah Geronimo. Nagkita raw sila earlier that day sa ASAP at sinabi raw ni Sarah sa kanya na nami-miss niya ang kanyang “bebe”, ang tawag ni Sarah kay Lloydy sa kanilang past movies. Inaasahan namang magkakaroon uli sila ng pelikula ng aktres within the year. Tinukso naman daw ni John Lloyd si Sarah at sinabing mayroon na raw itong “Gege” na ang tinutukoy ay si Gerald Anderson. Idinagdag din daw sa kanya ni Sarah na wala raw katotohanan ang tsismis sa kanila ni Gerald.

Hindi rin pinalampas ni Boy na tanungin ang aktor ang tungkol sa kanila ni Shaina Magdayao na napapabalitang nagkabalikan na sila. “Nagkahiwalay kami, nagkabalikan and now we’re doing perfectly fine,” maiksing tugon ni John Lloyd. Sinabi rin niya na nagbabalak silang magbakasyon abroad kasama ang family ni Shaina.