Iza Calzado: 'I'm ready to shine'

Rather than get intimidated, Iza Calzado shares that she gets more challenged to prove her capability as an actress.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/29/2012 11:44 PM
Iza Calzado: 'I'm ready to shine'


013012-izacalzado-main.jpg“With all humility, I’m ready to shine,” sabi ni Iza Calzado sa The Buzz nitong Linggo, nang tanungin siya ni Boy Abunda kung ano ang nararamdaman niya ngayong Kapamilya na siya. Ang hasain ang kanyang sarili ang dahilan ni Iza kaya siya nagdesisyong lumipat matapos manatili sa dati niyang home network for 10 years. “Gusto ko talaga ng bagong adventure, gusto kong mag-evolve, gusto kong matuto. Hindi naman sa hindi ko magagawa ‘yon sa dating network, pero alam kong mas ma-cha-challenge ako, mas marami akong matututunan sa mga bagong tao kapag lumipat ako dito. New environment. I want to shake things up in my life and normally kasi na-discover ko, ang naisip ko, gusto ko talaga na-cha-challenge ako. In order to fly I need to be challenged, I’m on my toes all the time.”

Alam daw niya na matindi ang kumpetisyon sa Kapamilya network lalo pa’t andaming magagaling na aktres pero gusto raw talagang patunayan ni Iza ang kanyang sarili. “Napansin ko kahit ano’ng gawin ko, minsan nga kahit ‘di na tama, I always find a way to prove myself basta ako gagawin ko lang ang trabaho ko, I will always give my best. Sabi ko nga if you’re destined to shine in something, you will kahit tapakan ka ng ibang tao, kahit pigilan ka pa. Basta may hard work din siyang katapat. Of course I have to give more than 100 percent, everything that I’ve got,” paliwanag ni Iza.

Dagdag pa ng aktres, naniniwala siya na espesyal ang kanyang pagtahak sa buhay,at ang pagkakalipat niya sa ABS-CBN ay ikinokonsidera niyang isang pagkakataon kung kailangan niyang galingan. At kung may isang bagay daw na meron siya na wala ang ibang Kapamilya actresses, ito raw ay ang karanasan niya na ang pagbabawas ng timbang, from 220 lbs. at ngayon ay pumayat na siya to 127 lbs. Inanunsiyo rin sa The Buzz na si Iza na ang magiging host ng susunod na season ng The Biggest Loser Pinoy Edition.

Naging malaking hamon ang 2011 kay Iza dahil naghiwalay sila noon ng dati niyang boyfriend, ang businessman na si Atticus King at pumanaw rin ang kanyang ama, ang director-choreographer na si Lito Calzado. Kaya nga rin daw siya naiyak bago ang kanyang performance sa ASAP dahil na-miss daw niya ang kanyang ama na lagi siyang pinapanood kapag nagpe-perform. Gayunpaman, naniniwala si Iza na may blessing ng ama ang kanyang paglipat ng istasyon at naniniwala siya na gagabayan siya ng mga magulang mula sa langit.


Panoorin ang full interview ni Iza Calzado sa The Buzz (click here)