• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis surprised and happy with the success of her major concert

Anne Curtis surprised and happy with the success of her major concert

After her successful first major concert, Anne Curtis says she is excited for her forthcoming world concert tour.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/29/2012 11:40 PM
Anne Curtis surprised and happy with the success of her major concert


013012-anne-main.jpgIsang malaking tagumpay ang first-ever major concert ni Anne Curtis sa Big Dome noong Sabado, January 28 dahil napuno ang nasabing malaking venue. Bukod sa mga fans ay dumalo rin ang malalapit na showbiz friends ng actress-singer. Sa tagumpay ng kanyang concert, ang sabi ni Anne, “Nagulat ako, parang oh my gosh. Gustong-gusto kong umiyak. Paglabas ko pa lang (ng stage) happy na ako.

Todo-birit si Anne sa kanyang mga kanta at inabot ang tono ng mga high notes ng kanyang mga song numbers. Nagsilbi ring fashion show ang nasabing concert dahil sa dami ng mga costume changes ang aktres. Bigatin rin ang mga naging guest peformers ni Anne na kinabibilangan nina Sam Milby, Derek Ramsay, Cristine Reyes, Rico Blanco, Vhong Navarro, Luis Manzano, Vice Ganda at Sarah Geronimo. Naroon din ang kapatid ni Anne na si Jasmine.

Samantala, sobrang happy naman ni Anne na hindi lang showbiz friends ang nagbigay ng suporta sa kanya dahil pati ang kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff ay present sa nasabing concert. “He’s been so supportive, he made t-shirts for everyone. Hinahayaan niya ako, kahit stressed ako hinahayaan n’ya ko,” pagbabahagi ni Anne at sinabing binigyan din siya ng lakas ng loob ni Erwan na magkaroon ng singing career.

Hindi naman daw ito ang last performance ni Anne dahil mayroon pa siyang world tour para sa kanyang “Annebisyosa” concert at may mga provincial concerts din. Sinabi naman ni Anne na ibibigay niya ang kanyang best sa lahat ng kanyang susunod na mga pagtatanghal.