• Home
  • Fresh Scoops
  • Joey Marquez hints at a possible revival of the 'Palibhasa Lalake'

Joey Marquez hints at a possible revival of the 'Palibhasa Lalake'

Joey Marquez reveals that one of his future projects in ABS-CBN is a comedy show, which will take comedy to the next level.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/29/2012 1:04 AM
Joey Marquez hints at a possible revival of the 'Palibhasa Lalake'


012912-joey-main.jpgNagpahaging si Joey Marquez na posibleng magkaroon ng revival ang sitcom na sumikat noon sa ABS-CBN, ang Palibhasa Lalake (1986-1998) nang pumirma ng kontrata ang komedyante with Kapamilya network. Tinanong kasi ng mga naroong press kung ire-revive ang show since ang mga dating cast ng nasabing sitcom na umalis sa ABS-CBN or nagpahinga muna sa showbiz ay nagsibalikan na, kagaya nina Richard Gomez, Carmina Villaroel, Jomari Yllana, at Eric Fructuoso. Ang malamang sagot ni Joey, “Alam naman natin very obvious, ‘pag lahat ng ingredients inuunti-unti, alam mo na agad ang lulutuin.”

Sumikat noon ang nasabing sitcom dahil sa pagiging natural ng cast ng show. Kuwento pa ni Joey sa sikreto ng show, “Ang Palibhasa… it’s a show na everything came naturally. They were not being monopolized by script. The antics came from what we have experienced from the outside from behind the camera so people would like to relate na tao din pala sila, nagtatrabaho at nagkakamali din. So that’s where the fun comes.”

Nang direkta siyang tanungin kung magkakaroon nga ng reunion ang Palibhasa Lalake, pahaging ang sagot ng aktor. “Hindi ko alam pa, but it’s for us to know and for you to find out. But one thing said that ingredients are all in.”

Sa pinirmahan kasing kontrata ni Joey, ibinahagi niya ang mga proyektong kanyang gagawin. “They are planning to come out with a comedy and a talk show syempre ‘di pa pwedeng sabihin but I’m sure it’s going to be shown by February.” Ang nasabing talk show ay ang Showbiz Inside Report kasama sina Janice de Belen, Carmina Villaroel at Ogie Diaz. Tungkol naman sa comedy show na sinasabi niya, paliwanag ni Joey, “Upgrade in comedy. Something new for the public to see.”

Kilala bilang isang mahusay na komedyante, natanong din si Joey kung sino sa tingin niya ngayon sa younger generation ang mga maituturing niya na talented sa pagpapatawa. “Meron sila d’yan kaya lang give them the break to show their talent.” Aniya, sina Vhong Navarro at Billy Crawford ang gusto niyang pinapanood sa pagpapatawa.