• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricar Reyes admits she has more confidence since winning an acting award

Maricar Reyes admits she has more confidence since winning an acting award

Maricar Reyes talks about her new series; keeps mum on being linked to Piolo Pascual.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/27/2012 10:44 AM
Maricar Reyes admits she has more confidence since winning an acting award


012712-maricar_main.jpgHindi maikakailang isang rebelasyon pagdating sa pag-arte si Maricar Reyes. Una natin siyang napanoood sa I love Betty la Fea at Lovers in Paris, tumatak siya sa mga manonood sa mga seryeng Kung Tayo’s Magkakalayo at bampira sa Imortal. Kasama din siya sa mga pelikulang And I Love You So kung saan siya na-nominate bilang Best New Actress sa PMPC Star Awards at sa indie film na Anatomiya ng Korupsyon kung saan nanalo siya bilang Best Actress Sa Cinema One Originals Filmfest.

Kaya naman sa bago niyang proyekto na Nang Dahil sa Pag-ibig natanong ng Push.com.ph ang Best Actress kung mas nagkaroon ba siya ng confidence sa kanyang sarili at sa kanyang kakayahan sa pag-arte. “Parang hindi rin kasi every role is different, every director is different, every cast and crew is different so hindi dahil you just got an award in one movie that means madali na after that actually mas mahirap nga siya e.”

Makakasama ni Maricar sa Nang Dahil sa Pag-ibig sina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Cristine Reyes. “Sobra talaga akong thankful,” ang nasabi na lamang ni Maricar na isa siya sa mag napili na maging bida sa nabanggit na serye. Pero mas may pressure ba ngayon na isa na siya sa mga bida mismo ng serye? “Iba yung pressure niya but with every work naman ever since nape-pressure ako pero ito iba naman kasi the role is bigger so it’s more challenging also.”

Kinamusta rin ng Push si Maricar ang kanyang pakitungo sa co-stars niya. “Actually si Echo first time, pero si Piolo 2009 we were in Lovers in Paris at si Cristine we were together sa Precious Hearts so actually everyone’s friendly with each other parang barkada na kami right off the bat so masaya ito.

Hindi rin maitago ni Maricar ang excitement sa bago niyang serye at sa kung ano ang makikita sa kanya ng mga manonood ditto. “Well definitely wala akong pangil but that’s the thing with me with every role, gusto ko may ibang atake, may ibang way of interpreting so hopefully we’ll get that across.”

Kwinento din niya kung ano ba ang tema ng serye na hindi pa man naipapalabas ay napakaingay na. “Puro love angle. The teleserye is about love. It’s universal, it speaks to everyone’s hearts, tingin ko maraming makakarelate dito talaga.

At dahil din sa issue ng pagkakalink sa kanya at kay Piolo, natanong ng Push si Maricar kung ano ba ang reaksiyon niya dito at ang nasagot ng dalaga, “I really don’t want to talk about these things you know.”