Sa panayam ng Push.com.ph, ibinahagi ni Joey kung ano ang kanyang expectations sa una niyang proyekto ngayong nagbabalik-Kapamilya siya. “Alam mo, siyempre, gusto ko makarinig ng iba-ibang opinyon tsaka yung talento ng tao sa pagbibigay ng payo. Kasi it’s a never-ending learning in any situation. Nandiyan ka man, nangyari man sa ’yo, pero mas maganda pala yung pinayo nila e. Gusto ko rin matuto.” Dagdag pa ni Ogie, “Kakaiba itong show na ito sa ibang talk show. Mabibigyan kami dito ng panahon para maibigay namin yung inputs namin on air, hindi lang kami basta nagbabasa ng balita.”
Parang reunion din ito para sa kanila dahil nagkataong pare-pareho silang hawak noon ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano. Gamay na nila ang isa’t isa kaya pwedeng-pwede raw silang magtuksuhan at mang-intriga sa isa’t isa ng hindi nagkakapikunan. Ani Carmina, “Kaya kami excited kasi para kaming magkakapatid. Kampante pa kami kasi alam namin magsaluhan, alam namin yung ugali ng isa’t isa, pwede kami magbiruan, para kaming pamilya talaga.”
In-depth ang discussion ng iba’t ibang interesting stories sa Showbiz Inside Report, na tipong yung mga hindi pa natatalakay sa ibang news program ay hihimayin dito ng mga hosts. Mayroon ba silang kinatatakutan o limitasyon pagdating sa mga bagay na pag-uusapan nila? “Mahirap mag-set ng limitations bilang host because it would also limit the viewers’ perspective about certain issues. Hindi naman ito no holds barred, hindi naman ito bukasan ng buhay. This is more of talking about how you feel, what your thoughts are, ano pa bang pwedeng ibang gawin.”
Para naman kay Joey, excited siya sa magiging impact ng Showbiz Inside Report sa mga manonood. “I think the bottomline of this show is that we’re not here to create problems but rather to give solutions.”