• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado talks about meeting Hollywood actress Rachel Weisz

Iza Calzado talks about meeting Hollywood actress Rachel Weisz

Iza Calzado reveals how she found simple and unassuming Hollywood Rachel Weisz is in their brief meeting.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/28/2012 1:02 AM
Iza Calzado talks about meeting Hollywood actress Rachel Weisz


012812-iza-main.jpgIsa sa mga masuwerte si Iza Calzado na makilala ang Hollywood actress na si Rachel Weisz, na nasa Pilipinas para sa shooting ng pelikulang The Bourne Legacy. Naipakilala si Iza kay Rachel sa birthday celebration ni Tim Yap a few days ago.

Sinuwerte lang ako dun eh,” simula ni Iza. Tinawagan daw siya ni Cristalle Henares, anak ni Doktora Vicki Belo, to say na pupunta sina Jeremy Renner at Rachel sa party ni Tim. Muntik pa nga raw hindi matuloy si Iza dahil may nakatakda siyang interview that time. Gayunpaman, sinikap ni Iza na makadaan.

“They were late for dinner, so I stretched it,” pagbabahagi ng bagong Kapamilya star. “Tapos ‘di ko na talaga mahihintay so umalis na ako dun sa restaurant. Sa labas nakita ko parating na sila. Tapos si Jeremy Renner was the first artist I saw tapos sa likod pa niya si Rachel Weisz. Nakilala ko si Jeremy sa labas. I told Jeremy Renner that I’m a fan. Sumunod kami sa loob kasi we didn’t want to keep them outside tapos met them briefly.” Pero mas nagliwanag ang mga mata ng aktres nang pag-usapan ang pagpapakilala niya kay Rachel.

Iba ‘yung pagka-fan ko kay Rachel, ang galing. I just said, ‘Hi I’m an actress in the Philippines and I’d just like to say I’m a big fan of your work and I’m honored to be in your presence.’ And that was that and I said I really have to go.” Nagpasalamat naman daw sa kanya si Rachel. Sana nga raw ay nananatili pa siya ng ilang minuto para nagkaroon ng pagkakataon na makausap pa sila nang mas matagal.

Gusto ko siyang yakapin eh, nagpigil lang ako baka hindi na niya ako gustong yakapin next time ‘pag nilundag ko siya.

Paglalarawan pa niya sa Hollywood actress, “She looks so simple, and I could feel a certain kind of gentleness about her like, [the meeting] was very brief though. I really, really liked what I saw, what energy she gave off.
 
Samantala, being a Kapamilya now, sinabi ni Iza na sa mga aktor ay gusto niyang makatrabaho uli si Piolo Pascual na nakatrabaho na niya noon sa Star Cinema movie na Milan in 2003. Ilan pa sa gusto niyang makatrabaho ay si John Lloyd Cruz at si Jericho Rosales.

Sa mga aktres naman, fan daw siya ni Judy Ann Santos. “And then Bea (Alonzo) who has established a good reputation as far as acting is concerned. Angelica Panganiban a very strong character and a very strong actress as well and Kris Aquino. Andami-dami talaga. ‘Di ko na maisa-isa. Si Karylle and Jodi Sta. Maria.”