• Home
  • Fresh Scoops
  • Jomari Yllana faces challenges and new adjustments on his new soap

Jomari Yllana faces challenges and new adjustments on his new soap

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/26/2012 10:02 AM
Jomari Yllana faces challenges and new adjustments on his new soap


012612-jomari_main.jpgIsa sa mga inaabangang ipapalabas sa Primetime Bida ang bagong seryeng Eboy at isa sa mga mapapanood dito ay ang nagbabalik-seryeng si Jomari Yllana. Pagkatapos ng pagganap niya bilang Ama ni Matteo (John Lloyd Cruz) sa seryeng Imortal, gaganap naman siya bilang kapatid ni Ariel Rivera.

Nagbigay nga ng konting patikim si Jomari sa kung ano ang itatakbo ng istorya. “Illegitimate siya (character ni Ariel), ako yung totoo pero siya yung mas magaling, siya yung may gawa kay Eboy. Andun yung parang rivalry nung magkapatid, more on sa atensyon ng ama, ng magulang, yung pagiging mas magaling, kung sino yung mas magaling na nagrerepresent dun sa mga anak… Yung mas malalim na pinapakita na pinagdadaanan ng magkapatid na lalaki.”

Nabanggit din ni Jomari na bukod sa mas mabigat na acting na kanyang ipapakita dito, nagkaroon din ng challenge sa kanya pagdating sa makeup para sa serye. “Medyo parusa for me sa makeup, they had to soften everything. Soften the eyes, the kilay, the pilikmata, the inosenteng look, ganun. So sa akin bawal kumunot e lagi akong nakakunot, naka-frown na hindi ko naman sinasadya so yung pressure sa akin is more on the makeup, preparation at siyempre yung approach ng director.”

Dagdag pa ni Jomari sa experience niya doing Eboy,Yung director namin masyadong metikuloso when it comes sa gusto at kailangan niya sa eksena. It’s not like yung nakasanayan namin na, okay this is the scene, ito yung kailangan namin then go, pakakawalan ka namin. Ito it’s more of the director namin hawak kami sa leeg e so ibang approach naman. Ito 100 percent kaming hawak sa leeg, ito yung gusto niya so number one you have to trust. Kasi kung ‘di ka marunong magtiwala hindi mo magagawa e. So you trust the director, you trust the production, everything and yun yung mahirap na adjustment sa akin pero we carry over naman.”

Natanong din ang aktor kung may pressure ba siyang nararamdaman na ngayon ay puro bata ang tinatangkilik ng mga manonood. “Sa akin wala. I am very happy to see ABS-CBN creating, producing [this kind of series]. Isip mo para na tayong may factory ng mga batang magaling umarte na hindi ko alam kung saan nila nakukuha.

Puring-puri din si Jomari sa mga batang aktor na nadidiskubre ngayon. “I don’t know if it’s in the genes, or breed ba nila pero wala naman ganyan nung araw so ako proud ako for the new ones. Happy ako na may mga batang nabibigyan ng break. And you know these boys, these kids they are very talented, out of this world, sobrang magagaling.”

Hindi nakatakas sa tanong ang actor tungkol sa ex-wife na si Aiko Melendez. May hula kasi si Robert Dass na magkakabalikan daw sila sa October 2014 at ang natatawang sagot ni Jomari, “Tagal ko nang naririnig yan!” Kamusta ang samahan niyo ni Aiko? “Tight lang kami.”

Nagkabalikan ba kayo? “No, we are just magkasundo na parents ngayon and mas nagkakasundo, hindi nag-aaway. Parang single siya single ako walang keber, walang kailangang mag-adjust sa isa ganun. We are just enjoying the company of the kids, nung dalawang bagets and so far nagkakasundo kami kaya ko nasabing tight kami.”

Pero may tsansa bang magkabalikan? “Hindi ko alam e. 2014 daw? Nagbigay ng date noh, ang tagal. Hindi ko alam, hindi ko alam talaga.”

Abangan ang Eboy sa Primetime Bida.