• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes on her team-up with Coco Martin: 'Habang tumatagal, mas nakakakilig'

Julia Montes on her team-up with Coco Martin: 'Habang tumatagal, mas nakakakilig'

Julia Montes is happy that the viewers love her team-up with Coco Martin in 'Walang Hanggan.'

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

1/25/2012 10:10 AM
Julia Montes on her team-up with Coco Martin: 'Habang tumatagal, mas nakakakilig'


012512-julia_main.jpgTodo na ang mga nakakakilig na eksena nina Coco Martin at Julia Montes sa Walang Hanggan, lalo na’t mula sa pagiging magkababata ay unti-unting silang makakaramdam ng pag-ibig para sa isa’t isa. Laking pasasalamat din ni Julia dahil agad tinangkilik ng mga manonood ang tambalan nila ni Coco. “Na-e-enjoy ko talaga yung project na ito kasi maganda yung mga scenes, yung kwento habang tumatagal mas nakakakilig,” kwento ni Julia ng makapanayam siya ng Push.com.ph kamakailan.

Kahit nasa ikalawang linggo pa lang ang Walang Hanggan, marami na rin ang nakapansin namay on screen chemistry sina Coco at Julia sa kabila ng kanilang 13-year age difference sa totoong buhay. Ang sikreto ay ang kanilang magandang samahan on and off cam. “Si Coco, maalaga siya in a way na kapag break aasikasuhin ka niya, tapos sa scene aalalayan ka. Lalo na kapag yung mga scene na alam mong alanganin. Tulad nung eksenang binuhat niya ako sa burol, he made sure na talagang hindi ako masasaktan dun sa pagbuhat niya sa akin.”

In demand talaga itong si Julia dahil bukod sa kanyang teleserye ay kasama rin siya sa isang pelikula ng Star Cinema kung saan makakatambal naman niya si Enrique Gil. Anong masasabi niya na ipina-partner siya sa iba’t ibang leading man? “Para sa akin, wala naman akong against sa paiba-iba ng love team. Go lang ako basta maganda yung project at yung character ko. Nakatrabaho ko na noon si Enrique sa Way Back Home. Excited ako kasi doon kami ni Sam Concepcion yung magka-partner, tapos naging Sam-Kathryn (Bernardo). Tapos kami naman ni Enrique ngayon so interesting yung switch.”

Hindi pa rin makapaniwala si Julia na sunod-sunod ang magagandang proyektong dumarating sa kanya ngayon. “Sana forever ng 2012! Siyempre masaya ako. Hindi ko ma-explain kasi hindi ko ine-expect na itong taon na ito magiging ganito ako ka-blessed. Sabi nga nila magiging fruitful itong taon na ito para sa akin, sana tuloy-tuloy lang.
 
Ano kaya ang mayroon siya kung bakit mahal siya ng mga manonood? “Siguro dahil nagpapakatotoo ako. Naks, taray! Kasi siguro nakita nila yung totoong Julia. Kasi kontrabida ako sa Mara Clara, hindi nila in-e-expect yung totoong ako.”