Agot Isidro not closing her doors to love

A few months after admitting her separation with hubby Maru Sandejas, the actress says she's still open to loving again.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/25/2012 9:05 AM
Agot Isidro not closing her doors to love


012512-agot_main.jpgIlang buwan matapos ang pag-aming hiwalay na siya sa asawa, sinabi ng aktres at singer na si Agot Isidro na hindi niya sinasarado ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig.

Sa panayam ng ABS-CBN News, inamin ni Isidro na dumaan siya sa matinding sakit matapos siyang makipaghiwalay sa asawang si Manu Sandejas may isang taon at kalahati na ang nakakakaraan.

Pero sa ngayon, kahit malapit nang umahon mula sa hiwalayan, hindi pa din kumportable si Agot na pag-usapan ang kanyang naging buhay may asawa sa publiko.
 
“I don’t discuss it. Basta we’re okay. Mayroon mga sabit sabit pa at meron pa mga kailangan ayusin,” aniya.

Sa panayam, inamin din ni Agot na nakatulong ang kanyang trabaho para makabangon sa masakit na pinagdaanan.

“Work really helped me a lot. I got distracted. Ibinuhos ko talaga lahat sa trabaho,” ani Agot.

Matatandaang kakatapos lang gawin ni Agot ang seryeng "Nasaan Ka Elisa?” kung saan gumanap siya bilang ina ng lead star na si Melissa Ricks.

Naghahanda naman ngayon si Agot sa kanyang pinakabagong seryeng "E-Boy" tambok naman ang child star na si Bugoy Cariño bilang bida.

Nakatakdang ipalabas ang "E-Boy" simula naman sa January 30 sa ABS-CBN Primetime Bida.