Xian Lim pairs up with Megan Young in 'The Reunion'

Xian Lim talks about Star Cinema's upcoming barkada movie and a possible movie team-up with Kim Chiu in the near future.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

1/24/2012 11:31 AM
Xian Lim pairs up with Megan Young in 'The Reunion'


Nagkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN.com na masilip ang look test ng upcoming movie ni Xian Lim na may working title na The Reunion. Unang salang pa lang ni Xian sa camera ay ipinakita na niya na perfect sa kanya ang role bilang isang campus heartthrob na may pagdadaanang pagsubok na may kaugnayan sa kanyang high school sweetheart. Nakakatuwang panoorin kung paano madaling nakuha ni Xian ang iba't ibang emosyon na kinunan para sa look test. "I know it's going to be a super fun movie. I'm hoping na matanggap ng maraming tao. Excited na kaming mag-umpisang mag-shooting."

Ang gaganap na girlfriend ni Xian sa nasabing pelikula ay si Megan Young na una niyang nakatrabaho sa teleseryeng Rubi. "Ang makaka-partner ko dito ay si Megan Young. Nagka-work na kami before sa Rubi, Of course it's going to take time molding into our characters pero I think there won't be any problem working with her since we're also friends behind the cam. Ilang beses na rin kaming nagkasama sa out of town shows so it would definitely help us create a good chemistry on screen."

Nagpapasalamat din si Xian sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya kahit na hindi si Kim Chiu ang makakasama niya para sa proyektong ito. "Bilib naman ako sa supporters namin dahil nandun yung kanilang support at mahal na mahal nila kami ni Kim. And this movie is more about a barkada's journey and it's not going to focus much on the love teams, but on the friendship among the characters."

Umaasa naman si Xian na magkakatrabaho ulit sila ni Kim very soon.  "Sana mag-start na siya. I'm excited. I can't wait to have another project with her. Wala pang official word about it. But hopefully we can start soon kasi madami na rin ako naririnig. Basta I'm looking for more roles to portray, more experience sa acting, sa mga shows... I just want to keep on learning at sana marami pang makakilala sa akin para mapasaya ko pa silang lahat."