• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual officially launches new teleserye 'Nang Dahil Sa Pag-ibig'

Piolo Pascual officially launches new teleserye 'Nang Dahil Sa Pag-ibig'

The actor says like his character in the story, he has done a lot of things because of love.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/24/2012 10:00 AM
Piolo Pascual officially launches new teleserye 'Nang Dahil Sa Pag-ibig'


012412-jlc_main.jpgSa launching pictorial ng pinakabagong teleserye ni Piolo Pascual, nakausap ng push.com.ph ang aktor at hindi maitago ang kanyang tuwa sa pagsisimula ng bago niyang teleserye kung saan makakasama niya sina Jericho Rosales, Cristine Reyes at Maricar Reyes. “Yes we are so excited dahil pagpasok ng 2012 ay ang pagbubukas naman ng aming bagong soap opera, of course it is my first time to work with Mr. Jericho Rosales in a soap opera and reunion namin ni Maricar, the last one was Lovers in Paris. Si Cristine Reyes first time kong makakatrabaho kaya I’m really excited. Of course, pag sinabi mong soap opera ng ABS-CBN talagang pinaghahandaan, talagang pinagtutuunan ng pansin ng ating istasyon so I’m really excited and I’m honored to be part of the series na ta-trabahuin natin ng isang taon.”
 
Sa dami ng seryeng naggawa ni Piolo, at iba’t-ibang mga karakter na kanyang ginampanan, siniguro ni PJ (palayaw ni Piolo)  na iba at bago ang makikita ng kanyang mga fans at manonood dito. “As far as I’m concerned wala naman akong teleseryeng nagggawang pareho so I guess, yun din ang initiative ng station to come up with something different all the time that they have an artist na gumagawa ng teleserye all the time kaya bukod sa iba yung character ko iba din yung conflict ng story.”
 
Powerhouse nga ang cast ng bagong aabangan sa Primetime Bida. Mula sa award-winning actors na sina Jericho at Maricar, makakasama niya din dito ang Box-Office Royalty na si Cristine Reyes kaya naman na kwento din ni Piolo ang ang kanyang nararamdaman at excitement sa bago niyang project at co-stars, “Siguro yung pinaka-exciting dito is yung conflict ng love, kung sino ang mapupunta kay Echo (at mapupunta sa akin) at yung pag-aaway namin. Hindi pa namin pwede ireveal yung conflict namin ni Echo pero exciting kasi matagal ko na rin napapanood si Echo sa series niya and I have known him to be one of the most intense actors of my generation so to speak kaya asahan natin na maraming mga daramahan dito and of course ngayon ko na lang din ulit makakasama si Tito Boyet na naging tatay ko din sa Lovers in Paris saka sa Dekada kaya I am so excited. Its an interesting project because pinaghahandaan ng ABS at sa dami ng pinagdaanan nito ng proseso para mabuo yung storya I guess we just have to be there and give justice to the role. “
 
Na-launch na nga ito dati bilang Padre de Pamilya at ngayon nga ay napalitan na to Nang Dahil Sa Pag-ibig kaya naman natanong din namin kay PJ kung anong dahilan sa pagpalit ng titulo ng inaabangang serye. “We just wanted it to be more universal because everything that happens around us is all about love kaya Nang Dahil Sa Pag-ibig ito ay nangyari. Ito ang makikita niyo as you watch the soap, its all about love, its all about the conflict ng umiibig at nang dahil sa pag-ibig ito yung naging conflict ng bawat isa.
 
At dahil nga ang title ng bagong serye niya ay Nang Dahil sa Pag-ibig natanong namin si Piolo kung ano na nga ba ang kanyang naggawa Nang Dahil sa Pag-ibig at isang makahulugang “marami” lamang ang kanyang naisagot.