PBB's Ivan Dorschner gets kiss from Katy Perry

The ex-Pinoy Big Brother teen housemate was lucky to be chosen by the international pop star to join her on stage during her concert last Jan. 22.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/24/2012 5:25 PM
PBB's Ivan Dorschner gets kiss from Katy Perry


012412-ivan-main.jpgSa dami nang nangangarap, natupad ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Ivan Dorschner ang mapili bilang isa sa pinaka-swerteng lalaking mahalikan ng American pop singer na si Katy Perry na nagdaos ng kanyang show kamakailan sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

Mas naging mainit pa ang pagkakataon ng maghubad ng t-shirt si Ivan bago ito halikan ni Katy sa kanyang kanang pisngi.

Nagpakita naman ng pagkakilig si Perry ng siya naman ang halikan ni Ivan sa kanyang kaliwanag pisngi.

Sa kasiyahan, napasigaw pa si Katy ng "Thank you, God!"

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo ni Katy ang kanyang pakikipaghiwalay sa asawang si  Russell Brand.
   
Dahil na din sa pambibihirang pagkakataon ito para sa isang Pinoy local star na makasalamuha ang isang international artist, nag-trending pa si Ivan sa Twitter.

Maliban kay Ivan, nag-enjoy din sa concert ni Katy ang ilan sa mga Kapamilya stars tulad nila Vice Ganda na pinasalamatan pa ang pop singer sa pagdalaw muli sa bansa.

"Super fun night w/ @lizzzuy @mondgutierrez @isabelledaza @vicki_belo @haydenjr @lovipoe! Thanks Katy Perry for visiting Manila!," ani Vice Ganda sa Twitter.

Maliban sa "Teenage Dream" pinasikat ni Katy ang mga awiting "California Gurls," "Firework" at "Last Friday Night."