• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikki Gil says she will say yes if Billy Crawford proposes to her now

Nikki Gil says she will say yes if Billy Crawford proposes to her now

The singer-actress says having a long-distance relationship with her boyfriend would be a big challenge for both of them.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/23/2012 2:29 AM
Nikki Gil says she will say yes if Billy Crawford proposes to her now


012312-nikki-main.jpgNa-delay man ang pag-alis ni Billy Crawford ng bansa patungong Pransya, kinumpirma ng girlfriend niyang si Nikki Gil sa The Buzz  na sigurado namang matutuloy ito ngayong taon. Sabi pa ni Nikki, hindi kasi basta-basta pwedeng umalis si Billy dahil may mga trabaho ring inaayos para sa kanya ang ABS-CBN.  
Sa ngayon naman ay ayaw pa munang isipin ni Nikki ang pagkakaroon nila ng long-distance relationship. “Parang ang ano ko, kasi we’ll cross the bridge when we get there. I can’t really say for now kung paano namin iha-handle ‘yon,” anang aktres.

Nang mapunta ang usapan sa proposal, mabilis na sinabi ni Nikki na sinasabi raw sa kanya ni Billy na ready na siya subalit, ang sarili naman niya ang hindi pa. “I’m much younger than Billy. Feeling ko marami pa akong growing up to do, regarding my emotions.” Gayunpaman ang interesting na sagot ni Nikki sa tanong kung sakaling biglang mag-propose sa kanya ang boyfriend, “Hindi naman kinabukasan wedding na ‘di ba? Pwede naman a few years from now, (so) go!” Sa 100% raw, ang rating ni Nikki kay Billy ay 98%.

Naging very vocal si Billy sa pagsasabing he changed for the better mula nang maging sila ni Nikki. Ang sikreto naman ni Nikki, hindi niya ugaling sabihin sa boyfriend kung ano ang bawal at ‘di bawal. “I don’t like imposing, ayoko ng ‘bawal mong gawin ‘yan, hindi ko gusto ‘yan.’ Feeling ko the moment naglagay ka ng rule babalik siya doon (kung magkahiwalay kayo). I’d rather magbabago ang person for himself and maybe for God kaysa sa dahil sabi niya.”

Kung ilalarawan daw ang kanilang relasyon, sinabi ni Nikki na pareho silang more understanding ngayon. Aniya, malaking achievement ito lalo pa’t pareho silang showbiz ni Billy.  “Hindi siya ganun kadali. It’s hard enough maintaining a relationship na kayong dalawa lang, andami pang involved.”  

Samantala, mapapanood si Nikki simula sa January 30 sa afternoon teleseryeng Mundo Man Ay Magunaw with Empress, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Tessie Tomas at Eula Valdez.