• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, Matteo Guidicelli and Xian Lim talk about love

Maja Salvador, Matteo Guidicelli and Xian Lim talk about love

The stars of My Cactus Heart open up and describe how much they are willing to give in the name of love.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/23/2012 2:23 AM
Maja Salvador, Matteo Guidicelli and Xian Lim talk about love


012312-majamatxi-main.jpgSa The Buzz nitong Linggo ay itinanong sa tatlong stars ng pelikulang My Cactus Heart ng Star Cinema, na sina Maja Salvador, Xian Lim at Matteo Guidicelli kung paano ba sila magmahal.

Naunang sumagot si Xian na sinabing ibinibigay ang lahat kapag nagmahal. “Todo-todo, wala akong iniiwan. Kung alam ko kung siya na, ibibigay ko talaga lahat to make that person feel special. Gusto ko lang maramdaman na special (siya),” pagbabahagi niya.

Halos pareho naman sila ni Matteo na nagsabing, “Bigay ako ng 110 percent who ever I love. 150 nga eh,” sabay hirit niya. “If I love somebody talagang 100 percent and sometimes I even forget about myself. The only thing I think about is that person and that person is Maja.”

Ibinahagi naman ni Maja ang sagot ng kanyang boyfriend na si Matteo. “Sabi niya 150 (percent), pero ang alam ko 250,” pagbibiro niya. Since magkasama sina Toni Gonzaga at Matteo sa Happy Yipee Yehey, inilarawan ni Toni sa The Buzz kung paano magmahal si Matteo, “Si Matteo ang tipo ng lalaki na dadalhin mo at papakilala mo sa mga magulang mo dahil grabe ang pagmamahal ni Matteo for Maja.”

Sinabi naman ni Maja na kung magmahal siya ay wagas. Paglalarawan naman ni Matteo sa girlfriend, “Alam mo si Maja, it’s true (na wagas siya magmahal). Maja is just the perfect person. Any guy who would have a Maja Salvador in their life will be very blessed and lucky person.”

Dahil magkatrabaho sila sa My Cactus Heart, itinanong  kay Xian kung paano ba magkatrabaho ang magkasintahang sina Maja at Matteo. “Naiinggit nga ako sa kanilang dalawa,” biro ni Xian. “Ang sweet, kelan ba ako magkakroon ng ganyan? Parang sample ng perfect combination.”