• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina Villaroel: 'Na-miss ko 'yung makatrabaho 'yung magagaling na artista'

Carmina Villaroel: 'Na-miss ko 'yung makatrabaho 'yung magagaling na artista'

The actress reveals why it is more fun to be a Kapamilya.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/23/2012 2:40 AM
Carmina Villaroel: 'Na-miss ko 'yung makatrabaho 'yung magagaling na artista'


012312-carmina-main.jpg“’Yung pagiging isang pamilya, ‘yun talaga ‘yung na-miss ko. Ang sarap ng feeling na binabalikan mo ‘yung pinanggalingan mo,” ang bungad ni Carmina Villaroel sa The Buzz sa interview sa kanya ni Boy Abunda.

Nang sinabi ni Boy sa kanya na dugtungan kung bakit mas masaya sa ABS-CBN, ang sagot ng nagbabalik-Kapamilya, “Because we’re like a family. At may isa pa. Bongga talaga ‘yung Star Magic Ball, eh gusto ko ‘yon,” nakakatawang sambit ni Carmina. Nag-request pa nga siya kung pwede siyang dumalo sa Star Magic Ball this year kahit na hindi raw siya under ng Star Magic.

Sa quick questions ni Boy, sinabi ni Carmina na si Piolo Pascual ang pinakaguwapong aktor, samantalang si Kristine Hermosa naman ang pinakamaganda para sa kanya. Pinakamahusay para sa kanya sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales at sa mga aktres naman ay sina AiAi delas Alas at Cherry Pie Picache.

Nami-miss raw niyang makaeksena si Piolo, na nakatrabaho niya noon sa Esperanza. “Si Piolo pa rin na-miss ko siyang katrabaho, napakahusay niyang aktor. Masarap kasing nagkakaroon kayo ng eksena nagde-deliver kayo ng ka-eksena mo, nagbibigayan. ‘Yun ang na-miss ko, ‘yung makatrabaho ‘yung magagaling na artista.”

Malaki rin daw ang posibilidad na makapanayam niya si BB Gandanghari (na kilala dati bilang si Rustom Padilla na naging asawa ni Carmina). Meron kasing upcoming talk-show si Carmina kasama si Janice de Belen. Pagbabalik-tanaw pa ni Carmina, bago pa man umamin si Rustom on national TV hinggil sa kanyang kasarian ay nakapag-usap na silang dalawa. “Para kaming friends. Tawa kami nang tawa medyo kinda weird pero hindi,” kuwento ni Carmina. Aniya, malaki raw factor na nakapag-move na silang pareho noon. Wala na raw galit sa puso ng aktres at maganda na ang buhay niya. “Right timing talaga,” aniya.

Sa kasagsagan ng isyu noon ng paghihiwalay nina Carmina at Rustom, pinili ng aktres na manahimik hinggil sa isyu, at marami ang humanga sa kanya dahil dito. Paliwanag naman ni Carmina, “It’s really our choice. Kahit sabihin mong nandito tayo sa industriya mga host, showbiz-oriented hosts pa tayo, it’s really our choice to shut up or speak up. Kung anuman ‘yung hindi nangyaring ‘di maganda sa amin (ni Rustom), sa amin na lang ‘yon pero pinaalam ko sa publiko na tapos na and then that’s it.”

Bukod sa talk show, gagawa rin si Carmina ng isang teleserye at pelikula para sa Kapamilya network. 

Panoorin ang full interview sa The Buzz (click here)