Anne Curtis, undecided as to when she will get married

The actress says she'll know when it's the right time to settle down and have a family.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/23/2012 2:34 AM
Anne Curtis, undecided as to when she will get married


012312-anne-main.jpgMasayang-masaya si Anne Curtis nang mag-guest siya sa The Buzz this Sunday upang mag-imbita sa  No Other Concert, ang kanyang first major concert sa Smart Araneta Coliseum this coming January 28.

Dahil sa marami na siyang achievements sa buhay, tinanong ng host na si Charlene Gonzalez kay Anne kung ano sa palagay niya ang magiging reaksyon ng kanyang mga magulang kung maisipan niyang magpakasal. “I think my mom might be a little more open about it, but my dad siguro would be, ‘Are you sure? Are you sure about this?’ He’s always been the type to tell na go out and see the world before you settle down, darating naman ang panahon na ‘yon,” pagbabahagi ni Anne.

Hindi sikreto na committed ngayon si Anne sa Fil-French model na si Erwann Heussaff. “I love everything about him because he’s such a blessing in my life and I’m just so happy he’s part of it. He’s everything I could ever dream about,” papuri ni Anne sa boyfriend. Pagdating daw sa trabaho, hindi si Erwann ang tipong magiging seloso lalo pa’t kung may mga sensitibong eksena si Anne kasama ang kanyang mga leading men. “He’s actually very, very open-minded about it. He understands (that) it’s a craft. Work ‘yan eh, so hindi siya nakikialam. Hindi din siya nagseselos. Of course ‘pag dumarating ‘yung kissing scenes, uncomfortable pero hindi naman siya nagseselos.

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Anne kung kelan siya lalagay sa tahimik.  “I really don’t know, for me it doesn’t matter what your age is, as long as you know that the person is the right person for you and you’ll know it’s time. It could be tomorrow, it could be in three or five years, it could be next month, who knows? For me it depends on when you know (that) this is it, this is forever.”  

Kung meron man daw siyang nais ibahagi sa mga tao, ito ay ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili. Sikat man ngayon, matagal na naghintay si Anne bago siya finally naging sikat. “You have to keep on dreaming of what you want to achieve and keep on dreaming no matter what the struggles that come into your life.”