Akiko Solon gets emotional about other Star Power finalists

Akiko Solon wants her fellow Star Power finalists to have the same career breaks.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/21/2012 9:34 PM
Akiko Solon gets emotional about other Star Power finalists


012212-akiko_main.jpgMatatandaan na si Akiko Solon ay isa sa mga apat na finalists ng Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Star. (Ang mga kasabayan niya ay ngayo’y MYX VJ na si K-La Rivera at ang grand winner na si Angeline Quinto.) At ngayon ay nabigyan siya ng pagkakataong gumawa ng proyektong lihis sa kung saan siya nakilala bilang singer, ang umarte sa inaabangang primetime serye, ang E-boy.

Makakasama niya dito ang mga batikang artista na sina Ariel Rivera, Jomari Yllana at Agot Isidro. At nang natanong ng Push ang dalaga mula Cebu tungkol sa break na naibigay sa kanya ng network, sagot niya, “Nagpapasalamat po ako sa ABS-CBN dahil binigyan po nila ako ng chance kasi it is my first time na umarte so talagang it’s a big challenge for me dahil singing talaga ako e. So parang sinabi ko sa sarili ko na parang ito na, ito na talaga siya. Hindi mo talaga siya mapipigilan so sige ito gawin mo kung ano talaga ang gusto mo. Do your best, stay as you are.”

Sa kanya-kanyang tinahak ng mga Star Power finalists sa kanilang karera, meron pa bang sense of competition sa kanila? “Hindi po kasi para po sa amin nagtutulungan kami. Kung kunwari merong show si Monica (Sacay)… Pero minsan mas gusto nila na tahimik sila. Mas okay lang na walang ginagawa, so kami ayaw naman namin [ng ganun].” Dagdag ni Akiko na magkakapatid ang trato nila sa isa’t isa at ayaw nilang may naiiwan sa kanila.

Naging emosyonal dito ang dalaga at napaiyak nang matanong kung paano nila naco-comfort ang isa’t-isa pag dumarating sila sa ganitong pagkakataon. “May contact po kami kaya pag may ginagawa po kami sinasabi namin sa kanila so sila din. Ang sa akin lang po kasi ayaw ko naman na ako lang mag-isa kasi nandito kami kasama sila. Para bang ayoko lang na ako lang, gusto ko rin na pag andito ako, nandito din sila. Ayoko ng may naiiwan kasi parang feeling ko kasi nung Star Power pa lang kami kinocomfort na namin ang isa’t-isa na nasanayan na namin na magkasama kami.”

At nang tanungin ng Push si Akiko kung bakit siya naging emosyonal, isang malaman na saloobin ang kanyang inilabas “Kasi parang yung iba kung ano lang ang ibigay sa kanila yun na. Kasi sa akin ayaw ko naman ng ganun, gusto ko makita kami as kami, na magkasama kami. As in buo pa rin kami kasi may ibang nagtatanong na na nasaan na si Monica, nasaan na si ganyan e. Ayaw ko naman na may nagsasabi ng any negative tungkol sa kanila, gusto ko lahat kami maabot yung gusto naming pangarap.”