Kim Chiu bids farewell to 'My Binondo Girl'

Kim says she is sad and happy at the same time as she bids her character 'Jade' good bye tonight on Primetime Bida.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/20/2012 12:24 PM
Kim Chiu bids farewell to 'My Binondo Girl'


012012-kim_main.jpgMagkahalong saya ang nararamdaman ni Kim Chiu sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang sikat na seryeng "My Binondo Girl."

Nakatakdang ipalabas ang final episode nito sa Biyernes (Enero 20).

"Una, nakakalungkot na -- siyempre masaya kami kasi maayos ang takbo ng 'My Binondo Girl,' marami ang sumusuporta. Malungkot na masaya. Pero ganoon talaga lahat ng show kailangang matapos. So, nagppasalamat kami sa lahat ng sumuporta at gabi-gabi ay nandiyan sila," ani Kim sa panayam ng ABS-CBN News sa last shooting day nito.

Aniya, sa nalalapit na pagtatapos ng show ay marami pang kaabang-abang na eksena ang dapat abangan ng mga manonood, tulad ng kung kanino ba talaga siya magpapakasal.

Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng kanyang fans at mga manonood na hindi tumigil na magbigay ng suporta sa kanyang show para manatili itong number 1 sa ratings.

"Sa fans, maraming salamat. Taos puso akong nagpapasalamat, dahil sa taos puso niyong tinanggap si Jade Dimaguiba, ang 'My Binondo Girl' sa bahay niyo."

Matapos ang "My Binondo Girl" nakatakda namang gumawa si Kim ng pelikula kasama  si Xian Lim, leading man niya sa patapos na serye.