• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto admits being nervous about what people might say about her acting

Angeline Quinto admits being nervous about what people might say about her acting

Angeline Quinto tries to take negative comments as a challenge for her to do better.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/20/2012 10:09 AM
Angeline Quinto admits being nervous about what people might say about her acting


012012-angeline_main.jpgHindi makakalimutan ni Angeline Quinto ang taong 2011 dahil dito nagsimula  magbago ang kanyang buhay. Mula sa isang simple’t ordinaryong tao, isa na nga siya ngayon sa pinakasikat na young diva ng henerasyong ito. “Siyempre ang 2011 ko hinding-hindi ko makakalimutang taon sa buhay ko kasi po dito po kasi nag-umpisa lahat. Dito po ako nanalo sa Star Power dito ko rin po naramdaman na talagang may talento talaga ako saka patuloy po yung blessings sa akin.”

At sa dami ng naka-line-up na projects ni Angeline, ano pa nga ba ang nilolook-forward ng dalaga? “Ang pinakagusto ko po talaga na nangyayari sa akin e nakakatanggap ng awards kaya sobrang yan po yung nilo-look forward ko po na maraming awards ang dumating sa akin kasi mahilig ako sa trophy. Tapos sana po mas makapunta pa po ako sa iba’t-ibang lugar sa mundo dahil pangarap ko din po yan at makasama ko po yung Mama ko doon.”

Sa dami ng kanyang supporters na excited sa kung ano ang mga makikita nila kay Angeline this year, ipinagtapat ng dalaga na gusto niya din maipakita kung ano man meron siya maliban sa pagkanta. “Kasi nung 2011 po siyempre alam naman po natin na sa pagkanta lang ako nakikita ng mga tao pero siguro ngayon pong 2012 makikita niyo na po ako umarte at sobrang excited po ako na makita niyo yun.

Ibinahagi din ni Angeline ang kanyang naramdaman nang una siyang sumalang sa pag-arte at hindi maitago ansg kanyang nerbiyos pa rin sa pagkwento ng kanyang acting experience. “Kasi nung una talaga kasi grabe kung alam niyo lang po nararamdaman ko nung unang shooting namin para sa pelikula. Ganun pala kahirap yun at habang tumatagal po marami naman akong natututunan sa pag-arte hindi lang sa pagkanta kaya ngayong 2012. Kayo na po ang bahalang mag-comment sa akin kung paano ba ako sa pag-arte po.”

Ang You Light Up My Life ang unang pelikula ni Angeline kung saan makakasama niya si Coco Martin. Kilala si Coco na magaling sa pag-arte kaya naman natanong ng Push ang dalaga kung may kaba ba siya kung sakaling hindi niya ma-meet ang expectations sa kanya. “Sanay na rin po ako sa ganyan na hindi natin maiiwasan na ang mga tao ay may masasabi sa iyo. Nakakalungkot lang po kung medyo negative kasi siyempre ako po kapag negative yung naririnig ko mas pinakikinggan ko kasi challenge po e, para mas mapabuti ko po yung trabaho ko. Kasi hindi naman po lahat ng negative e dapat hindi mo tinatanggap yan na ayaw ka ng tao. Kung ganun man po yun e nasasakanila na lang po yun pero alm ko naman po yung inaano nila sa akin.

Very positive nga ang pagtingin ni Angeline sa kanyang karera at walang sawa ang kanyang pagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanya kaya naman ang kanyang nasabi sa kanyang nararamdaman sa kasalukuyan, “Excited na kinakabahan kasi ito po yung first time na gawin [ko] ito ang pag-arte pero sobrang excited din ako kasi alam ko po na marami rin pong nag-aabang nitong pelikula namin.

Dati kasi ang pinapangarap ko lang e sana makapagsabuhay lang sa MMK (Maalala Mo Kaya) ang gusto ko. Tapos nagulat ako na binigyan nila ako ng pelikula na ako ang leading lady kaya sobrang blessed po ako. Wala akong alam sa pag-arte pero heto na po to, binigay na sa akin at sobrang nagpapasalamat po talaga ako.”