Vice Ganda's grandmom passes away

The comedian is deeply saddened by the death of his 'Mamang,' who raised him and his siblings when they were children.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/2/2012 3:48 PM
Vice Ganda's grandmom passes away


010212-vice-main.jpgPumanaw na ang lola ni Vice Ganda na si Rosita Borja sa edad na 86, ilang buwan matapos itong ma-stroke.

Ayon mismo sa komedyante sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, yumao ang kanyang pinakamamahal na lola nitong Linggo ng gabi (January 1).

"The Buzz interview was taped few days ago. Mamang passed away last night. Thanks so much for your prayers," ani Vice Ganda sa Twitter na tumutukoy sa taped interview niya sa The Buzz para sa January 1 episode ng show.

Sa nasabing interview sa The Buzz, hindi napigilan ni Vice Ganda ang mapaiyak ng matanong ang kondisyon ng kanyang lola.

Aniya, handa na siyang bumitiw sa kanyang lola dahil sa nakikita niya na itong nahihirapan.

"Masyado kasing selfish kung sasabihin ko na huwag ka munang aalis at hindi ko kakayanin eh nakikita ko nahihirapan ang lola ko. Habang nahihirapan siya nauuna akong namamatay sa sakit. Sabi ko, 'OK na ako Nay, punta ka na sa pupuntahan mo.' Baka kasi nagwo-worry siya sa akin. Sabi ko kaya ko na ang sarili ko, oras na ito para ituon mo ang atensyon mo sa sarili mo, kung nahihirapan ka anytime you can leave anytime I'm OK. Pero hindi, hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-abalahan ng Tagasundo hindi nagpupunta sa bahay namin," ani Vice Ganda.

Samantala, sa kanyang Twitter account, inihayag din ni Vice Ganda na iniaalay niya ang New Year's episode ng kanyang show na "Gandang Gabi Vice" sa kanyang lola Rosita.

"I offer tonight's episode of GGV to my MAMANG! Thanks so much for continuously supporting the show."

Samantala, sinabi naman ni Ogie Diaz, dating manager ni Vice Ganda sa abs-cbnNEWS.com na dinala na ang labi ni lola Rosita sa  Funeraria Nacional sa Quezon City.