• Home
  • Fresh Scoops
  • Tyron Perez's loved ones speak up about possible reasons behind the actor's death

Tyron Perez's loved ones speak up about possible reasons behind the actor's death

The deceased actor's loved ones confirm that he was going through a hard time before he allegedly committed suicide.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/2/2012 8:58 AM
Tyron Perez's loved ones speak up about possible reasons behind the actor's death


010212-tyron_main.jpgNagulantang ang marami sa pagkamatay ng aktor na si Tyron Perez, 26, nang matagpuan siyang wala nang buhay sa loob ng itim na kotse sa may North Luzon Expressway noong December 29. Isa sa mga hinihinalang dahilan ay suicide.

Ikinuwento rin ng asawa ng aktor na si Liv Espino sa The Buzz na tinawagan siya ni Tyron bago siya pumanaw. “Around 9:00 o’clock ang sabi n’ya hindi na niya kaya eh. Gagawin na niya, akala ko ‘yung last text niya hindi na ako aabot, ang sabi niya hindi na ako aabot sa kanya,” pahayag ni Liv.

Kinumpirma rin ni Liv na ipinarinig pa sa kanya ng asawa ang huling hininga nito. “Parang nahulog na phone. Narinig ko lang na nag-struggle siya huminga. Hello ako nang hello, wala, wala na.” Sinabi rin ni Liv na ipinakita sa kanya ang diumano’y armas na ginamit ni Tyron na isang maliit na baril. “’Yung very vivid na naalala ko, ‘yung huling hininga na parang struggling tapos nahulog na ‘yung phone, hello ako nang hello, wala na.”

Sinabi naman ng kaibigan ni Tyron na nakapanayam din ng The Buzz na alam niyang may problema ang aktor at ang asawa nito. “Nung bago mag-Christmas napi-feel ko na may problema talaga siya. Ginawa ko in-add ko sa Facebook ‘yung wife (niya) para lang alam niya na nasa amin si Tyron. ‘Yun nga nalaman ko sa kanya (Liv), hindi pala niya alam kung nasaan si Tyron. Hindi sila hiwalay parang may pinag-aawayan lang na konting bagay lang siguro. Kasi ‘yung wife niya flight attendant so matagal bago umuwi ng Pilipinas. Ang isa sa naging problema niya umalis siya sa bahay ng wife niya na hindi nagpaalam sa in-laws, so totally walang alam ‘yung pamilya ng babae at wife niya kung nasaan siya. Sabi niya (Tyron) alam daw pero ‘yung malapit na mag-Christmas hindi kami naniniwala kasi, malapit na mag-Christmas dapat magkasama na sila ‘di ba?” Sa palagay raw ni Priscilla ay may problema sa pera si Tyron at pati na rin sa asawa dahil hindi raw sila magkasama nung Pasko.  

Kinumpirma naman ni Liv na may pinagdadaanan silang mag-asawa. Pero ayaw niyang magbigay ng detalye. “Ang masasabi ko lang okay kami. Last few weeks hindi na namin siya nakakausap. Text lang, ‘di sinasagot ‘yung telepono.” Dagdag pa niya ay wala raw nakausap si Tyron sa problema niya kaya litong-lito siguro ito.  Tumanggi naman magcomment si Liv tungkol sa kanyang Twitter post hinggil sa pagkawala ng kanyang kotseng itim kung saan ay doon din natagpuan ang walang buhay nang katawan ni Tyron.

Clueless naman ang nakatatandang kapatid ng aktor na si Jennifer Perez na lagi raw sinasabi sa kanila ng kapatid na maayos at okay ang estado niya. Dadalhin na ang mga labi ni Tyron sa Tarlac ngayong Lunes, sa lugar kung saan nandoon ang kanyang pamilya.