• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo admits Gerald Anderson gave her a necklace last Christmas

Sarah Geronimo admits Gerald Anderson gave her a necklace last Christmas

The singer-actress admits Gerald is special to her right now.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/19/2012 7:09 PM
Sarah Geronimo admits Gerald Anderson gave her a necklace last Christmas


011912-sarah-main.jpgSa pambibihirang pagkakataon, napaamin si Pop Star Princess Sarah Geronimo na nakatanggap siya ng isang Tiffany necklace mula sa kanyang big screen leading man na si Gerald Anderson. Sa panayam sa thankgsiving party para sa mga kaibigan nito sa press, inamin ni Sarah na isang kuwintas na may hugis pusong pendant ang binigay sa kanya ng personal ni Gerald noong nagdaang Pasko. "Binigyan niya po ako ng (isang) necklace," nahihiyang pag-amin ni Sarah.

Ani Sarah, t-shirt naman na pinili niya at ng kanyang inang si mommy Divine ang niregalo niya kay Gerald. Hindi din itinago ni Sarah na espesyal ngayon sa kanya si Gerald na nakasama niya sa mga pelikulang Catch Me I'm In Love at ang katatapos lang na Won't Last A Day Without You. Pero giit niya, pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanya lalo't hindi pa din siya handang magmahal matapos ang nabigo niyang pag-ibig sa aktor na si Rayver Cruz.

Magkahalo namang saya at nerbiyos ang nadarama ngayon ni Sarah sa nalalapit na pag-ere ng kanyang musical show na Sarah G Live! "(Yun pong) Sarah G Live! every Sunday night na po ‘yon. Nabigyan lang po ako ng pagkakataon na makakita po sila ng mas marami pang performances,” ani Sarah. Pag-amin niya, kabado siya sa mas malaking responsibilidad na bigay ng show, lalo't live ito tuwing Linggo ng gabi."Everytime na lumalabas ako on stage at nagpe-perform ay may takot ako. So, ito live every Sunday night. So parang every Sunday night ay para akong may concert sa Araneta, live singing po."Dahil sa kanyang bagong show, maaring magpahinga muna si Sarah bilang parte ng ASAP.

Maliban sa kanyang musical show, naghahanda din si Sarah sa kanyang concert tour para sa taong ito.