• Home
  • Fresh Scoops
  • Patrick Garcia has no problem working with Jennylyn Mercado and Luis Manzano

Patrick Garcia has no problem working with Jennylyn Mercado and Luis Manzano

Patrick Garcia is open to working with his ex Jennylyn Mercado and her current beau Luis Manzano.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/19/2012 9:46 AM
Patrick Garcia has no problem working with Jennylyn Mercado and Luis Manzano


011912-patrick_main.jpgSa pagbabalik kapamilya ni Patrick Garcia, lagi na siyang natatanong kung magkakaroon ba ng ilangan kung sakali mang magkaharap sila ni Luis Manzano. Ang lagging sagot ni Patrick ay wala namang problema kung saka-sakaling yun nga ay mangyari. At nagkaroon nga ng pagkakataong magharap ang dalawa nang mag-guest si Patrick sa Entertainment Live para sa Precious Hearts Romances Lumayo Ka Man Sa Akin noong January 14.

Dito, tinanong siya ni Luis na kung willing ba siyang makipagtrabaho sa kanya at kay Jennylyn Mercado na dating karelasyon ni Patrick at nanay ng anak nito. Si Jennylyn din ang kasalukuyang girlfriend ni Luis. Wala namang kagatol-gatol ang sagot ni Patrick na, “Bakit hindi?” Kung maganda  naman daw ang proyekto, wala namang magiging problema sa aktor. Dagdag pa nga ni Luis na kahit sila na mismo ang gumawa pa ng script matuloy lang kung sakali.

Natanong din ni Luis ang aktor kung papayag ba siya na mag-artista ang anak na si Alex Jazz. Medyo napaisip ang aktor dito pero ang nasabi na lang niya ay, “Kung anong gusto niya.” Ayaw niya pigilan diumano ang anak sa kung anong gustong gawin nito, kahit na sa pag-aartista pa. Ang inamin lang niya ay ayaw niya ang mga gulo na kaakibat ng showbiz. Nagbiro pa nga ito na kung saka-sakaling may mang-agrabyado o mang-away kay Alex Jazz, si Jennylyn ang unang manunugod at mang-aaway. Panatag din si Patrick na hindi rin pababayaan ni Luis ang anak nila ni Jennylyn.

Natanong din si Patrick tungkol sa estado ng kanyang love life. Kung matatandaan, inamin niya sa Kris TV na meron siyang non-showbiz girlfriend pero nakipag-break daw sa kanya nung kinagabihan bago ang kanyang guesting. Nang matanong muli ni Luis si Patrick kung kamusta na sila, tumanggi na lang magsalita ang aktor ukol dun at sinabing nasa gray area pa daw sila magpasahanggang ngayon.