'Bourne' stars spend time with local celebrities

The Hollywood stars say they are interested in spending time in Boracay.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

1/19/2012 6:54 PM
'Bourne' stars spend time with local celebrities


011912-bourne-main.jpgKahit mailap sa media naging mainit naman ang pakikisama ng mga Hollywood stars na si Jeremy Renner at Rachel Weisz sa piling local stars na nakasama nila sa isang hapunan kamakailan.

Ayon sa modelo at Umagang Kay Ganda host na si Phoemela Barranda, nakasama nila ang dalawang bida ng inaabangang Hollywood film na Bourne Legacy  sa isang dinner na hinost ng kaibigan nilang si Cristalle Belo, anak ni celebrity doctor Vicki Belo.

Ayon kay Phoem, sa isang sikat na Filipino restaurant nila dinala si Weisz at Renner.

"Talagang interesado silang malaman 'yung culture at kung ano ba talagang lahi ng mga Pinoy. Bakit daw ganito ang itsura natin?"

Ani Phoem, na-enjoy din ng Hollywood stars ang mga pagkaing Pilipino tulad ng tilapya at adobo.

"Hindi talaga sila nagda-diet, rice talaga. Nag-enjoy sila at nagustuhan nila ang binukadkad na tilapya at [hindi maiiwan ang adobo] at ang gising-gising, 'yung putahe na may coconut milk. Gusto talaga nila," ani Phoem.

Maliban sa pagkain, interesado din aniya si Weisz na mapasyalan ang Boracay Island na una ng napuntahan ni Renner noong nakaraang linggo.

Maliban kay Phoem, nakasama din sa nasabing dinner ang "The X-Factor Philippines" host na si KC Concepcion.