• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez and Dawn Zulueta still have chemistry in 'Walang Hanggan'

Richard Gomez and Dawn Zulueta still have chemistry in 'Walang Hanggan'

Richard Gomez and Dawn Zulueta say they're surprised by viewers' reaction on their comeback via 'Walang Hanggan.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/18/2012 9:49 AM
Richard Gomez and Dawn Zulueta still have chemistry in 'Walang Hanggan'


011812-dawn_main.jpgNag-air na ang inaabangang serye na Walang Hanggan noong January 16 and as expected, nag-trending at pinag-usapan talaga ito pati na ang pagbabalik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Bago pa man, nagkaroon na ng advanced celebrity screening ang serye at ipinalabas dito ang itatakbo nito sa kabuuan ng pilot week.

Nasaksihan ng maraming manonood na hindi pa rin talaga nawawala ang chemistry ng dating magkasintahan. Kahit na kasama nina Richard at Dawn ang kani-kanilang mga asawa sa advanced celebrity screening, marami pa rin ang kinikilig at natutuwa na makita silang magkapareha. Nang makausap ng Push.com.ph si Dawn, hindi niya maitago ang kanyang tuwa sa reaksiyon ng fans sa kanila ni Goma. “Naku nagpapasalamat kami pati kami nadadala dahil affected sila. Affected na affected sila sa mga eksena sa Walang Hanggan kaya maraming-maraming salamat sa inyo dahil sinuportahan niyo kami.

Huling nagkasama ang magkasintahan sa pelikulang Hihintayin Kita sa Langit at pagkatapos ng mahigit dalawang dekada, ngayon na lang ulit sila nagsama sa isang proyekto kaya naman natanong namin si Dawn kung ano nga ba ang pakiramdam na napapanood nila muli ang kanilang mga sarili, “Magkatabi kasi kami ni Goma (habang nanubuod ng celebrity screening). Sabi namin parang iba na ang ating nuances. I think it has to do with the years, we’ve matured marami na din kaming mga experiences na naa-apply namin ngayon sa performance namin.”

At ang kanyang reaksiyon sa dami ng kinikilig pa rin sa kanilang tamabalan, “Nakakatuwa, pati ako nagugulat.” Dagdag din ni Dawn sa maybahay ni Richard na si Congresswoman Lucy Torres na kasama ni Goma sa screening, “She makes working with an ex very easy.”

Natanong din ng Push si Richard kung ano pakiramdam niya na mapanood muli nila ni Dawn ang kanilang mga sarili on screen after 21 years, “Me and Dawn there is just magic in our team-up.”

Hindi magkamayaw ang tilian at kilig ng mga tao sa tuwing pinapalabas ang eksena nila Richard at Dawn. Pinanood nga niya ito kasama ang asawang si Lucy at nang kinamusta ng Push kung ano ang reaksiyon ng kanyang asawa, “My wife, she loves every scene of me and Dawn. She loves it so much.”

Panoorin ang Walang Hanggan sa Primetime Bida.