• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli has no regrets that his pairing with Kim Chiu did not take off in 'My Binondo Girl

Matteo Guidicelli has no regrets that his pairing with Kim Chiu did not take off in 'My Binondo Girl

Matteo Guidicelli believes that Xian Lim's tandem with Kim Chiu works because of their different chemistry.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/17/2012 10:22 AM
Matteo Guidicelli has no regrets that his pairing with Kim Chiu did not take off in 'My Binondo Girl


011712-matteo_main.jpgSa huling Linggo ng My Binondo Girl, kaabang-abang ang mga rebelasyon at mga mangyayari sa mga teleseryeng sinubaybayan ng mga tao sa loob ng ilang buwan. Maliban sa love story nina Jade at Andy, ang mga mangyayari sa mga character sinang Onyx at Trevor ang hinihintay ng mga manonood.

Nakausap ng Push.com.ph si Matteo Guidicelli na gumaganap bilang Trevor sa serye at naikwento niyang nalulungkot siya sa pagtatapos ng top-rating na serye. “It’s sad when something ends but we have to accept it and there were so many things that popped up from the show that had been a blessing.”

Naidagdag din ng aktor ang pagkabilib niya sa pagyakap ng mga manonood at supporters ng My Binondo Girl kay Richard Yap at Xian Lim ng dahil sa success ng serye, “Papa Chen, you know I am so proud of Papa Chen. I always say to everybody that wherever Papa Chen goes he’s going to trend and I am also very proud of my brother Xi (Xian Lim), you know since from the beginning I told him ‘Bro, kung kanino man mapunta si Kim alagaan talaga natin and blessing talaga yan’ so congratulations bro.”

Si Onyx (Jolo Revilla), Trevor (Matteo) at Andy (Xian) ay nagkaroon ng pagkakataon para maipakita ang kanilang romantic side kay Jade (Kim Chiu). Pero sa kanilang tatlo, ang tambalan nina Kim at Xian ang nagkaroon talaga ng maraming supporters. Nang natanong ng Push si Matteo kung nakaramdam ba siya ng panghihinayang na hindi masyadong nakakuha ng suporta ang kaniyang team-up kay Kim, ang nasagot ng binata, “Hindi naman po. Like in the beginning si Onyx muna, ako, tapos si Xi. Like I said kanina kung kanino man mapupunta si Kim Chiu, kay Onyx, kay Trevor or kay Andy lets treat it as a blessing. Lets be proud of our co-actors kasi ‘di ba Kim Chiu is Kim Chiu; it’s such a blessing to be partnered with her. I had my part, I was partnered with her also and now the people loved their tandem it really worked and yun sila na, kaya sobrang saya ako sa kanila.

Natanong din ng Push si Matteo kung naisip niya ba na ang real life relationship niya with Maja Salvador ang posibleng dahilan kung bakit hindi umusad ang pairing niyang with Kim, sagot niya, “Hindi naman, I don’t think so. I am open naman with my relationship with Maja and Binondo Girl. They appreciated it for awhile…. they liked Xian and Kim Chiu more because they are both single and they work more together and they are both Chinese and they have more chemistry so I guess different chemistry with other people.”

Panoorin ang huling Linggo ng My Binondo Girl sa Primetime Bida.