• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina Villaroel back with ABS-CBN: 'There's no place like home'

Carmina Villaroel back with ABS-CBN: 'There's no place like home'

After eight years, Carmina Villaroel is back with the Kapamilya network and signs a two-year contract deal.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/16/2012 9:01 PM
Carmina Villaroel back with ABS-CBN: 'There's no place like home'


011612-mina-main.jpg“I’m just so happy that I’m back, I’m really happy that I’m back here sa tahanan kung saan ako nagmula. Baka napapanahon na para bumalik na ako sa aking pinanggalingan.” ito ang mga unang salitang sinambit ni Carmina Villaroel na balik-Kapamilya after eight years. Pumirma kanina ng 2-year contract si Carmina at kasama sa mga gagawin niya ay isang talk-show at isang teleserye.  “Eight years (din akong nawala). Matagal din kaya parang naninibago, at the same time andaming memories, andaming nag-flashback, nung Palibhasa Lalaki days, Abangan Ang Susunod na Kabanata, Okat Tokat, andyan na lahat. ng sarap lang ng feeling na lahat sila wini-welcome ako. Pamilyang-pamilya talaga. ‘Yun ang sinasabi ko it’s such a nice feeling na makabalik ako dito,” tuloy-tuloy na pahayag ng actress-host.  Nasasabik din siya sa gagawin niyang teleserye dahil iba raw ito sa mga nagawa na niya.  “Mabibigla kayo kung sino ang aking ka-loveteam,” aniya.  

Na-miss daw talaga ni Carmina ang Kapamilya network at nakita muli ang mga taong dati niyang nakatrabaho noon. “Sobrang nakaka-miss, especially ang mga tao na nakakasama ko before, sila pa rin ang nakikita ko rito. Ang saya lang. Alam mo ‘yung parang umalis ka ng bahay mo, pumunta ka muna sa ibang lugar, namasyal, bumalik ka (tapos) sila nandon pa rin to welcome you. Ang sarap ng feeling, parang hindi ako nawala.”  Kasabay ni Carmina na pumirma ng kontrata si Janice de Belen na napapanood na sa primetime teleserye na Budoy. Dalawang taon din ang kontrata ni Janice.

Bumalik na rin sina Richard Gomez at Joey Marquez sa ABS-CBN. Kaya nga na-excite si Carmina nung tanungin siya kung magkaroon ba sila ng reunion. “Why not? We’re open to that. Kasi marami nagtatanong sa akin since I’m back here since nandito na rin sina Goma (palayaw ni Richard), everybody parang maganda kung magkaroon ng reunion ang Palibhasa,… kung okay sa kanila, okay sa management, go! Ang saya no’n.” Hindi lang daw nagkataon na bumalik sila sa Kapamilya network. “Panahon na para magbalik kami sa aming pinanggalingan. ‘Di kasi ako naniniwala sa coincidence, eh, may rason, may purpose kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay, so happy ako kina Goma, kina Manong Joey and everybody na nandito.”

Naging madali rin daw para sa kanya ang magdesisyong bumalik sa dati niyang home network. “There’s no place like home parang kahit ano pang mangyari, at saka natatandaan ko dati sinabi sa akin ni Ma’am Charo (Santos-Concio) bago pa lang ako umalis, may blessing ka na umalis. Parang sa isang bata, kailangan mo lang umalis for college, you explore, and then if you’re not happy, kung okay ka na, you’re always welcome to come back. ‘Yun ‘yung parang nag-hold on ako doon. Ever since naman naging maayos naman ang pag-alis ko dito kaya siguro anytime welcome akong bumalik kaya hindi ako nahirapan with the negotiation and all that. Hindi talaga ako nahirapan kasi hindi sarado ang pintuan nila, hindi sarado ang pinto ko. Don’t burn bridges anywhere you go,” sabi pa ni Carmina.  “I’m just so happy to be back here. I’m just so thankful, so blessed and happy.”