• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga on showbiz: 'In this kind of business, you really need wisdom'

Toni Gonzaga on showbiz: 'In this kind of business, you really need wisdom'

The talented host-actress-singer shares that she strives to have wisdom in order to thrive in the difficult world of showbiz.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/15/2012 9:14 PM
Toni Gonzaga on showbiz: 'In this kind of business, you really need wisdom'


011612-toni-main.jpgIpagdiriwang ni Toni Gonzaga ang kanyang 28th birthday ngayong Enero at sa The Buzz nitong Linggo, sinabi ng actress-host na thankful siya sa lahat ng nangyari sa kanyang buhay, maganda man o hindi. Sinabi niya na naniniwala siya na kahit anuman ang mangyari sa buhay ng tao ay may dahilan at sa huli ay para ito sa kanyang ikabubuti.

Sa VTR kung saan bumati kay Toni ang mga showbiz friends at malalapit na kaibigan, kapansin-pansin na wala rito ang kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano. Ipinaliwanag naman ito ni Toni dahil ayaw raw niyang mabigyan pa ng maling kahulugan ang hindi pagbati sa kanya ng boyfriend. “Every birthday bumabati siya,” simula ni Toni. “(Sabi ni Paul) ‘I have nothing more to say publicly’. A lot of things to say privately pero publicly wala na siyang mai-declare pa. Parang it’s a given na na he’s there for me, we support each other and the love is there.”

Sa tanong naman kung ano ang magiging career niya kung hindi siya nakapasok sa showbiz, ang nakakatawang sagot ni Toni, “Trying hard sa showbiz. Hindi ko makita na hindi ito ang ginagawa ko.

Dahil trabaho ni Toni ang mang-interview ng mga artista, naitanong sa host kung may mga artistang nainis na sa kanya dahil sa kanyang pambubuko.  “Siguro marami-rami na,” sabay tawa niya. “Hindi ko alam hindi naman nila ipinapakita na galit sila eh, pero may pagka-ismid nang konti. May mga pang-iismid nang konti after ng interview.” Ibinahagi rin ni Toni ang kanyang mga natutunan sa pagiging host, at isa na rito ang pagiging totoo sa kanyang tunay na nararamdaman. “Ako naman if there is one thing I’ve learned here in The Buzz is that I really appreciate ‘yung it’s okay to say my opinion, it’s okay to say what I feel inside, kasi before nung artista pa lang ako, I always say what other people would want to hear from me, I would always try to please other people.” Pero bilang host ngayon ibabahagi niya ang gustong malaman ng mga tao at hindi raw masama na magsama ng kanyang mga tunay na nararamdaman kung nasaktan siya galit siya.  

Sinabi rin ni Toni na never silang naging magkasintahan ni Zanjoe gaya ng iniisip ng marami. Nagkasama lang daw sila sa isang pelikula, ang You Got Me pero hindi iyon lumalim sa pagiging magkasintahan. “There was a time we got really, really close,” pag-amin ng aktres. “Siya kasi ang sumalo sa akin when I was mending a broken heart.” Ito raw ang panahon nang masaktan siya dahil kay Sam Milby at naging takbuhan si Zanjoe.

Between Direk Paul at Sam, para sa kanya ay mas hot daw ang kanyang boyfriend. Ang kanyang paliwanag, “Isa ang isasagot ko d’yan hindi ako sinaktan ni Paul so Paul Soriano ako.

Isa lang daw ang wish ni Toni sa kanyang birthday na kanya ring hangad taon-taon. “Mas madagdagan ang wisdom ko in this business. I know it sounds ano ba ‘yung wisdom parang cliché na ‘yon, pero every year that’s what I wish for because in this kind of business you really need wisdom to discern and make the right decisions in life kasi ‘di ba napakamasalimuot ng industriyang ito. Kailangan mo ng direksyon, kailangan mo ng tamang pag-iisip para alam mo kung saan ka pupunta in the future. ‘Yun ang prayer ko talaga. I can’t ask for material thing or anything else.”