• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador says boyfriend Matteo Guidicelli isn't jealous of her leading men

Maja Salvador says boyfriend Matteo Guidicelli isn't jealous of her leading men

The actress says she and Matteo Guidicelli have a lot of things to prove to one another before they decide to settle down.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/15/2012 9:00 PM
Maja Salvador says boyfriend Matteo Guidicelli isn't jealous of her leading men


011612-maja_main.jpgInamin ni Maja Salvador na malaking challenge para sa kanya ang maging katrabaho ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na ka-partner niya sa upcoming Star Cinema movie, ang My Cactus Heart ng Star Cinema. “Nahihirapan, parang minsan nako-conscious ako, naiilang ako. Minsan nakakailang ang character ko na hindi in-love (pero in-love kami sa totoong buhay),”  sabi ng aktres.

Ani Maja, hindi perpekto ang relasyon nila ni Matteo at marami pa raw silang kailangang matutunan subalit hindi naman nila ito minamadali. “Sa bawat relasyon hindi naman lahat perfect, meron talagang pagdadaanang hindi maganda. Ang natutunan ko nga kay Angelica (Panganiban) sinabi niya sa akin kung talagang mahal mo si kuya (Matteo), go! Huwag ka papatalo, kasi kung papatalo ka, eh di nanalo sila pero kung mas nangingibabaw ‘yung pagmamahal mo kay kuya, go lang! Huwag kang papatalo kung nagmamahalan kayo dapat kayo lang ang magkakampi.”

Ayaw rin niyang magsalita nang tapos na si Matteo na ang lalaking kanyang pakakasalan. “Marami pa siyang kailangang patunayan. Ako rin marami pang kailangan patunayan, ang tagal pa eh. Kailangang kumayod para sa pamilya ko.”  

Ipinaliwanag din niya na hindi rin nagseselos ang boyfriend sa mga leading man niya gaya nina Jason Abalos at Patrick Garcia na makakatrabaho ni Maja sa upcoming afternoon teleserye, Lumayo Ka Man.Kampante naman si kuya sa pagmamahal ko sa kanya. Kulang pa ba? Todo-todo na kasi.

Sa nasabing teleserye ay mas daring si Maja pero hindi naman daw nagagalit si Matteo. “In fairness sa kanya napaka-supportive niya sa lahat ng ginagawa ko. Hindi naman daring na todo-todo, syempre tungkol sa pag-ibig.”