• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu on possible romance with Xian Lim: 'Dahan-dahan lang muna para sigurado'

Kim Chiu on possible romance with Xian Lim: 'Dahan-dahan lang muna para sigurado'

Kim admits she gets 'kilig' with Xian's sweet gestures.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/15/2012 10:04 PM
Kim Chiu on possible romance with Xian Lim: 'Dahan-dahan lang muna para sigurado'


011612-kimxi-main.jpgAminado si Kim Chiu na kinikilig din siya sa mga ginagawang sweet gestures ng kanyang leading man na si Xian Lim, halimbawa na lamang ay ang “panghaharanang” ginawa ni Xian sa set ng My Binondo Girl. Habang nasa set sila ay lumabas ang choir at biglang naghandog ng kanta para kay Kim. “First time na may nagganun na tao sa akin, syempre iba rin ang feeling ng tao ‘pag ganun,” ngiti ni Kim sa interview sa kanya ng The Buzz. Itinanong daw ni Kim kay Xian kung bakit niya iyon ginawa. Nagpaliwanag naman ang aktor at sinabi niya na ito raw ay dahil sa nabanggit ni Kim minsan sa kanya noong papalapit ang Pasko na hindi raw maramdaman ng aktres na magpa-Pasko na. “Natawa ako. Habang kumakanta ‘yung choir lumabas siya, may dalang bulaklak ay ano ba ‘to, performance level,” natatawang pahayag ng aktres.

Pero nilinaw ni Kim na wala pang romantikong namamagitan sa kanila ng kanyang leading man. “We’re just friends. Enjoy ko siyang kasama, tawa ka lang nang tawa.” Sa tanong kung wala pa bang pagtitinginang more than friends, ang makahulugang sambit ni Kim, ‘‘Di ko pa alam. Kinikilig-kilig nang konti, pero dun muna. Syempre dahan-dahan lang para sigurado ka kung ano ng nararamdaman mo.

Mas vocal naman si Xian sa kanyang espesyal na pagtingin kay Kim. “She’s a special girl. She means a lot to me. She’s special. I just want her to be happy,” ang aktor.

Samantala, huling linggo na ng My Binondo Girl at sinabi nina Kim at Xian na marami pa ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang programa. Marami raw twists and turns at may mga mamamaalam na karakter samantalang may mga bagong karakter din ang papasok.


Panoorin ang full interview sa The Buzz (click here)