• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin on his fame: 'Kapag may respeto ka sa kapwa mo, ibabalik sa 'yo'

Coco Martin on his fame: 'Kapag may respeto ka sa kapwa mo, ibabalik sa 'yo'

The brilliant actor opens up about his career and personal life and why he is so loved by many.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/15/2012 9:12 PM
Coco Martin on his fame: 'Kapag may respeto ka sa kapwa mo, ibabalik sa 'yo'


011612-coco-main.jpgSa kasikatan ngayon ni Coco Martin, ano ba sa tingin niya ang kanyang sikreto para mahalin siya ng masa? Ang sagot niya sa interview sa kanya sa The Buzz kahapon, “Pinapakita ko kasi kung ano ako, ‘yung pagiging sincere ko sa tao sa mga katrabaho ko. Sa pag-arte, lumalabas ‘yon. Ayokong mag-pretend, kung ‘di ako magustuhan, kung tingin man sa akin jologs, kung makita ka na maayos ka, malinis ka, maayos kang makitungo, kumbaga napapamahal ka sa kanila.”

Napaka-humble rin ng Prince of Indie Movies nang tanungin kung gaano na siya kayaman. “Sapat lang. tama lang, nakakaipon kahit papano. Sapat para matulungan ko ang pamilya at matupad ang mga munti kong pangarap.”  

Sa kabila ng pagiging public figure ni Coco, successful si Coco sa pananatili ng kanyang pribado ng kanyang private life. sinabi niya na ayaw raw niya na masali ang kanyang pamilya sa kanyang pagiging artista. Kaya naman daw sa tuwing umuuwi siya ng bahay hindi raw nagtatanong ang kanyang pamilya tungkol sa mga artista, at gayundin siya kapag nasa trabaho, iniiwas niyang mapag-usapan ang kanyang personal na buhay.

Kilalang malapit sa lola, ibinahagi rin ni Coco ang magandang aral na natutunan mula sa lola. “Pagrespeto at pagmamahal sa kapwa. ‘Pag may respeto sa kapwa mo, ibabalik sa ‘yo.

Mabilis din ang sagot ni Coco nang maitanong sa kanya kung ano ba ang nami-miss niya nung hindi pa siya sikat. “Wala akong name-miss kasi andun pa rin ako. Naging busy lang ako sa trabaho pero kung sino ang mga kaibigan ko, kung sino ang mga lagi kong kasama sila pa rin.

Halata namang hindi komportable si Coco nang tanungin siya ni Boy kung kelan siya huling nabaliw sa pag-ibig. “Matagal na,” matipid na sagot ng binata. Masarap daw umibig pero kadikit din daw ng pagmamahal ang masaktan. Ang pinakagusto naman daw niya kapag nagmamahal, “Nagbibigay sa ‘yo ng inspirasyon sa araw-araw na pamumuhay mo, sa trabaho mo.”