• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap talks about how he deals with the popularity that 'My Binondo Girl' has given him

Richard Yap talks about how he deals with the popularity that 'My Binondo Girl' has given him

Richard Yap wants to keep his personal life as private as possible.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/14/2012 9:35 PM
Richard Yap talks about how he deals with the popularity that 'My Binondo Girl' has given him


011512-richardyap_main.jpgNang makausap ng Push.com.ph si Richard Yap na kilala bilang si Papa Chen ng My Binondo Girl, inamin niyang may mga naging pagbabago at adjustments sa buhay niya at sa kanyang pamilya simula nang narerecognize na siya ng mga tao dahil sa serye. “Siguro in terms of privacy and when you go out hindi na ako pwedeng naka butas-butas na T-shirt. Yung mga ganun lang na you have to be presentable all the time”, ang kwento ng aktor.

At nang matanong kung paano niya tinatanggap ang puri at pamamayagpag ng kasikatan niya ngayon, “Like I said, I’m very thankful talaga pero it doesn’t affect me personally because I think I am still the same person as I was before and wala namang nagbago sa akin. It’s just that I did this show kaya ako naging ganun ka-popular as you say pero personally why should I change? Natanggap na nga na ganito ako bakit pa ako magbabago?

Natanong din ng Push kung aware ba siya na lagi siyang nagttrending sa Twitter. “Yes. The first time was tinext ako nina Matteo (Guidicelli) at Xian (Lim) na worldwide, congratulations, tapos ako, ‘Ano yun?’ Tapos nagtrend ka daw sa Twitter tapos ano yun? Hindi pa ako masyadong familiar sa Twitter at hindi ko alam na it was such a big deal pala.”

Marami pa rin ang hindi makapaniwala na married na si Richard Yap for 18 years with two children. Kahit ang co-star niya na si Cherry Pie Picache ay nanunuksong sinasabi sa interview na, “Sayang talaga may asawa na siya noh? (laughs) Kung wala siyang asawa ligawan ko siya.

Sa dami ng mga humahabol sa kanya at nagkakandarapa, bata man o kasing edad niya, natanong ng Push kung nagseselos ba ang asawa niya dahil sa mga babaeng very vocal sa admiration sa kanya. “Actually hindi. Kasi kung sasabihin mong seloso or selosa when we were younger, yes, pero ngayon hindi kasi we’ve been together for so long parang magbarkada na rin kami. Minsan niloloko ko siya lagi na sinasabi ko PA ko siya. Kasi niloloko siya ng mga crew na PA daw siya na which means ‘Parating Andiyan.’”

Pero paano natatanggap ng asawa niya ang kanyang kasikatan at ang atensyong nakukuha niya lalo na sa mga kababaihan? “Actually she is very proud na ganito kasi siyempre my success is also her success. It is for the whole family.”

Pero nagsaad din naman ng limitasyon ang aktor hanggang saan pumapasok ang showbiz sa personal niyang buhay. “As much as possible about me and let’s say what we do on the set, in showbiz. Pero regarding yung personal, I don’t want to open it too much kasi I don’t want my kids to experience na naeexperience ng iba na negative.”