Agot Isidro believes showbiz is harsher to celebs nowadays

Agot Isidro shares that celebrities should really be more cautious of their actions to avoid unwanted exposures.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/14/2012 9:28 PM
Agot Isidro believes showbiz is harsher to celebs nowadays


011512-agot_main.jpgKasama si Agot Isidro sa upcoming teleserye E-boy kung saan siya ang gaganap bilang leading lady ni Ariel Rivera. Pero bago siyang nakilalang bilang aktres, nakilala rin si Agot bilang host at singer noon. Pero between the two, mas nami-miss raw niya ang pagkanta kesa sa pagho-host.

“[Sa] hosting nakikita ko ‘yung Happy Yipee [Yehey], Showtime, natutuwa ako kasi I can never do that anymore, nakakapagod din ‘yung ganyan. I’ve hosted daily shows, nakakapagod, parang feeling mo kalahati pa lang ng araw, tapos na tapos na ang araw mo so only younger people can do that,” simula ni Agot. “Ngayong may edad na ako, iniisip ko pa ‘yon kaya ko pa ba ‘yon, parang hindi na. But the singing part, yes. I really miss it. So, whenever I have the opportunity to sing, ganyan I would gladly do it.”

Being from the older generation, naniniwala si Agot na mas mahirap ngayon ang buhay-artista kesa nung kapanahunan nila. Paliwanag pa niya, “I think ngayon, this time kasi because of the digital age. Everything goes viral now. You say something on Twitter, you get misunderstood [or] misquoted. Ngayon may cellphone na, it’s so easy. Ako [kapag] mag-grocery, walang make-up puwede akong kunan ng tao, pwede nilang sabihin ang losyang-losyang na nito. It’s so easy. Before it’s just the media [that] has the only access to the stars. Now everybody can report to the social network. Parang ganon so I think it’s harsher now for a lot of celebrities. Before may konting mystique ka, ngayon it’s all over.”

Patunay dito, nagiging instant kontrobersya ngayon ang mga videos o kaya ay larawan ng mga private affairs ng mga artista at iba pang kilalang tao. Ilang pagkakataong nailabas ang mga sex videos ng mga celebrities at private pictures nila.

Naniniwala rin si Agot na di porke’t artista ay wala nang karapatan ang mga ito na isapribado ang kanilang buhay. Meron din siyang advice sa mga artista upang hindi sila mabiktima ng mga ganitong insidente. “I don’t think it’s an obligation but then you are prone to really expose your private life to the public because hindi maiiwasan ‘yon kasi ‘di ka naman pwede magtago lang. Kahit wala kang ginagawa then they see you go out and who you go out with, kung wala kang makeup, ganun talaga. They can say all they want. Para sa akin it’s not an obligation, I think you just have to be more careful. Kung meron mang ayaw mong i-expose sa public, careful ka na lang not to expose. Nasa ‘yo naman ‘yon.

“Careful ka na lang kung meron kang gustong itago. Kung meron kang ayaw i-expose, you really wanna be private, then be private with it, don’t be careless.”