• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim wants to let Kim Chiu know she's very special to him

Xian Lim wants to let Kim Chiu know she's very special to him

Co-workers reveal that Xian Lim hired a choir to serenade Kim Chiu last Christmas.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/13/2012 9:20 AM
Xian Lim wants to let Kim Chiu know she's very special to him


011312-kimxian_main.jpgSa Thanksgiving Party ng My Binondo Girl The Dragon Finale, maraming rebelasyon at pasabog ang naikwento ng staff at co-stars na nagaganap sa likod ng camera sa pagitan ng bida ng serye na si Kim Chiu at ni Xian Lim.

Naibahagi ng isa sa mga director ng My Binondo Girl  na si direk Francis Pasion na noong nakaraang Pasko ay may espesyal na inihanda si Xian para kay Kim. Inilahad ng direktor na naghahanap ng choir na kakanta si Xian. Lahat ng tao ay clueless kung bakit kailangan ni Xian ng choir hanggang sa nakahanap na nga ito. Hindi naman daw naka-call sa set at that time si Xian pero nandun daw siya at nagulat at kinilig ang lahat nang sa standby tent ni Kim ay nandun na ang mga choir kumakanta ng “You” (originally sung by The Carpenters) kay Kim Chiu at ibinigay nga ni Xian ang regalo na may kasamang bulaklak.

Natawa ang mga press at ang mga dumalo sa Thanksgiving Party nang aminin ni Kim na nung akala niya daw nung una yung mga choir na kumakanta ay mga magso-solicit sa kanya dahil Pasko, uso daw kasi yun sa mga set na may pupunta at kakanta tapos ay magso-solicit ng tulong pero nang tinanong daw yun ni Kim sa mga choir members sinabi nila na wala yung bayad at napag-utusan lang daw sila. Tinanong pa ni Kim nung una kung sino ang nag-utos sa kanila pero walang gustong magsalita sa choir.

Dagdag pa ng direktor, sinabi niya kay Xian na sana pag ginawa niya yun ay may mga camera na pwedeng kumuha pero tumanggi ang aktor at sinabing ayaw niya dahil baka daw magmukhang showbiz at gusto niyang maging espesyal ang gagawin niya.

Kahit ang mga co-stars nila sa serye ay natutuwa at kinikilig sa kanila hindi lang on-scren kung ‘di off-screen. Si Cherry Pie Picache mismo ay tuwang-tuwa sa kanila at sinabing, “Xian is such an old soul. Hindi mo aakalain meron pa palang ganung lalaki ngayon.”

Hiyang-hiya naman ang binata habang kinekwento ang nangyaring yun at sinabing ginagawa niya yun dahil gusto niya iparamdam kay Kim na espesyal ito sa kanyang buhay.

At nang natanong namin si Kim kung flattered ba siya sa lahat ng mga ginagawa ni Xian para sa kanya, “Oo naman para sa isang babae na bumalik sa makalumang style ganyan.”

Hindi na rin lingid sa publiko ang pinagdaanan ni Kim sa kanyang buhay pag-ibig kay Gerald Anderson kaya naman nang natanong siya kung ngayon ba ay bukas na ang kanyang puso para magmahal ng iba, “Open naman, open naman ako to someone else and I want to take things slow, step by step para sigurado ka sa nararamdaman mo at hindi ka mabigla.”

Catch My Binondo Girl on its last week.